Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Katotohanan Tungkol sa mga Anghel?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Iba’t ibang bagay na may kaugnayan sa okultismo at espiritismo, kasama na board na ginagamit ng mga espiritista, bolang kristal, aklat tungkol sa mga bampira, tarot card, manikang pangkulam, insenso, at anting-anting.

      5. Iwasan ang espiritismo

      Kaaway ni Jehova si Satanas at ang mga demonyo kaya kaaway rin natin sila. Basahin ang Lucas 9:​38-42. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ano ang ginagawa ng mga demonyo sa mga tao?

      Hindi natin gustong maimpluwensiyahan ng mga demonyo. Basahin ang Deuteronomio 18:​10-12. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Paano tayo sinusubukang impluwensiyahan at kausapin ng mga demonyo? Anong mga gawain na may kaugnayan sa espiritismo ang napapansin mong mayroon sa lugar ninyo?

      • Sa tingin mo, tama kayang ipagbawal ni Jehova ang gawain na may kaugnayan sa espiritismo? Bakit?

      Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      VIDEO: “Labanan Ninyo ang Diyablo” (5:​02)

      • Sa tingin mo, may masama bang epekto ang anting-anting na suot ng anak ni Palesa? Bakit?

      • Ano ang kailangang gawin ni Palesa para maprotektahan siya at ang pamilya niya mula sa mga demonyo?

      Laging nilalabanan ng mga tunay na Kristiyano ang mga demonyo. Basahin ang Gawa 19:19 at 1 Corinto 10:21. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Bakit mahalagang sirain ang anumang bagay na may kaugnayan sa espiritismo?

      Isang babae habang sinusunog ang mga gamit niya na may kaugnayan sa espiritismo.
  • Ano ang Nangyayari Kapag Namatay Tayo?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 2. Paano makakatulong sa atin ang katotohanan tungkol sa kamatayan?

      Takót mamatay ang maraming tao. Natatakot din sila sa mga patay! Pero matutulungan tayo ng sinasabi ng Bibliya tungkol sa kamatayan. Sinabi ni Jesus: “Ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32) Itinuturo ng ilang relihiyon na may kaluluwang nananatiling buháy, o imortal, kapag namatay ang isang tao. Pero kabaligtaran iyan ng itinuturo ng Bibliya. Itinuturo din nito na hindi na nagdurusa ang mga patay. Wala na silang alam sa nangyayari at hindi na nila tayo kayang saktan. Kaya walang dahilan para sambahin o payapain sila. At hindi rin sila kailangang ipanalangin.

      Sinasabi ng ilang tao na nakakausap nila ang mga patay. Pero imposible iyon. Gaya ng natutuhan natin, ‘wala nang alam ang mga patay.’ Inaakala nila na nakakausap nila ang mga namatay nilang mahal sa buhay. Pero alam mo ba na ang nakakausap nila ay mga demonyo? Nagpapanggap lang ang mga demonyo bilang mga taong namatay. Dahil alam natin ang katotohanan tungkol sa mga patay, napoprotektahan tayo nito sa mga demonyo. Nagbababala si Jehova sa mga gustong makipag-usap sa mga patay kasi alam niya na mapapahamak tayo kapag nakipag-usap tayo sa mga demonyo.​—Basahin ang Deuteronomio 18:​10-12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share