Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paghampas, Pamamalo, Pambubugbog
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ipinahihintulot ng Kautusang Mosaiko ang pagpaparusa sa pamamagitan ng pamamalo. Ginagawa ito gamit ang isang tungkod. Mga hukom ang nagpapasiya kung ilang hampas ang ibibigay depende sa nagawang paglabag, anupat isinasaalang-alang din ang motibo, mga kalagayan, at iba pa. Ganito ang itinakdang posisyon: “Padadapain nga siya ng hukom at ipahahampas siya sa harap niya ayon sa bilang na katumbas ng kaniyang balakyot na gawa.” Ang kaparusahan ay limitado sa 40 hampas. (Deu 25:2, 3) Ang dahilan ay sapagkat kung hihigit pa rito, madudusta ang taong iyon sa paningin ng kaniyang mga kababayan. Isa ito sa mga halimbawang nagpapakita na hindi ipinahihintulot ng Kautusan ang malupit o naiibang kaparusahan. Ang layunin ng kaparusahan ay magtuwid, hindi ang maghiganti at maging mabalasik na gaya ng mga kaparusahang inilalapat ng ibang bansa. Ang tagapalo mismo ay parurusahan kung lalampas siya sa legal na bilang ng mga hampas. Dahil dito, nilimitahan ng mga Judio sa 39 ang bilang ng mga hampas upang hindi sila magkamaling lumampas sa hangganan at sa gayon ay malabag ang kautusan.​—2Co 11:24.

  • Paghampas, Pamamalo, Pambubugbog
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • “Ang hawakan ng strap ay may haba na isang sinlapad-ng-kamay at may lapad na isang sinlapad-ng-kamay; at ang dulo nito ay abot hanggang sa kaniyang pusod. Isang-katlo ng mga latay ang ilalapat sa kaniya sa harap at dalawang-katlo sa likod; at hindi siya hahampasin kapag nakatayo o kapag nakaupo, ngunit tanging kapag siya ay nakayukod nang mababa, sapagkat nasusulat, Pahihigain siya ng hukom. At ang nanghahampas, ay humahampas nang buong lakas niya gamit ang isang kamay.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share