-
Ebal, BundokKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sinabi ni Moises sa mga Israelita na kapag ipinasok sila ni Jehova sa lupaing aariin nila, kanila namang ‘ibibigay ang pagpapala sa Bundok Gerizim at ang sumpa sa Bundok Ebal.’ (Deu 11:29, 30) Tinagubilinan din niya sila na pumili ng malalaking bato na di-tinabas, paputiin ang mga iyon sa apog, at ilagay ang mga iyon sa Bundok Ebal. Ititindig doon ang isang altar, na sa ibabaw nito maghahandog kay Jehova ng mga hain. Sinabi rin ni Moises, “Isusulat mo sa mga bato ang lahat ng mga salita ng kautusang ito, na ginagawang totoong malinaw ang mga iyon.”—Deu 27:1-8.
-
-
Ebal, BundokKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Pagkaraan ng tagumpay ng Israel sa Ai, sinunod ni Josue ang mga tagubilin ni Moises, anupat nagtayo ng altar para kay Jehova sa Bundok Ebal. Isinulat niya sa mga bato (marahil ay sa mga bato ng altar mismo) ang “isang kopya ng kautusan ni Moises na isinulat niya sa harap ng mga anak ni Israel.” Pagkatapos, sa harap ng kongregasyon ng Israel (kasama ang mga naninirahang dayuhan) na nagkatipon gaya ng itinagubilin ni Moises, “binasa [ni Josue] nang malakas ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang pagpapala at ang sumpa, ayon sa lahat ng nakasulat sa aklat ng kautusan.” Ang kalahati ng kongregasyon ay nakatayo sa harap ng Bundok Ebal at ang kalahati naman ay sa harap ng Bundok Gerizim, anupat ang kaban ng tipan at ang mga Levita ay nasa pagitan ng dalawang grupo. (Jos 8:30-35) Ang magkaharap na mga dalisdis ng Bundok Ebal at Bundok Gerizim ay naglaan ng mahusay na akustika para sa okasyong ito. Kapansin-pansin din na naganap ang mga pangyayaring ito sa halos pinakasentro ng lupang pangako at malapit sa dako kung saan ipinangako ni Jehova ang lupaing ito sa ninuno ng Israel na si Abram (Abraham).—Gen 12:6, 7.
-