Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patibayin ang Pagtitiwala Kay Jehova—Sa Pamamagitan ng Masigasig na Pag-aaral ng Kaniyang Salita
    Ang Bantayan—1988 | Agosto 15
    • 2 Sa gayo’y tinawag ni Moises nang sama-sama ang bansa sa malawak na kapatagan ng Moab. Pagkatapos na pagbalikang-gunita ang kanilang pambansang kasaysayan at ulitin sa kanila ang Kautusan ng Diyos, iniharap ni Moises ang tinatawag na kaniyang nakahihigit na katha. Sa wikang ginagamit sa pinakamataas na uring tula, kaniyang hinimok ang Israel na magtiwala at tumalima kay Jehova, “isang Diyos na tapat, at makatarungan; matuwid at banal siya.” Bilang pagtatapos, si Moises ay nagpayo: “Ilagak ninyo ang inyong puso sa lahat ng mga salita na aking sinasalita bilang babala sa inyo sa araw na ito, na inyong iutos sa inyong mga anak upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito. Sapagkat ito’y hindi isang hamak na salita lamang para sa inyo, kundi nangangahulugan ito ng inyong buhay.”​—Deuteronomio 32:4, 46, 47.

      ‘Paglalagak ng Kanilang Puso’ sa Salita ng Diyos

      3, 4. (a) Sa ano kailangang ‘ilagak ang kanilang puso’ ng mga Israelita, at ano ang kasangkot dito? (b) Paano ikinapit ng huling mga salinlahi ang payo ni Moises?

      3 Pinaalalahanan ni Moises ang mga Israelita na ‘ilagak ang kanilang puso’ hindi lamang sa kaniyang pumupukaw na awit kundi sa lahat ng banal na kasulatan. Sila’y kailangang “magbigay ng mabuting pagsunod” (Knox), “tiyak na sumunod” (Today’s English Version), o “magbulaybulay” (The Living Bible) sa Kautusan ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagiging lubusang may kaalaman dito magagawa nilang ‘iutos sa kanilang mga anak na isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.’ Sa Deuteronomio 6:6-8, si Moises ay sumulat: “Ang mga salitang ito na iniutos ko sa iyo sa araw na ito ay sasaiyong-puso; at ikikintal mo sa isipan ng iyong anak . . . At iyong itatali na pinaka-tanda sa iyong kamay, at ibibigkis sa iyong noo.”

  • Patibayin ang Pagtitiwala Kay Jehova—Sa Pamamagitan ng Masigasig na Pag-aaral ng Kaniyang Salita
    Ang Bantayan—1988 | Agosto 15
    • Mga Paglalaan Para sa Pagkatuto sa Kautusan ng Diyos

      6, 7. (a) Anong mga paglalaan ang ginawa ni Jehova upang makilala ng mga Israelita ang Kautusang Mosaico? (b) Paano nga rin kaya naging posible na ang bayan ng Diyos noong sinaunang panahon ay maturuan ng Salita ng Diyos?

      6 Datapuwat, paano nga matututuhan ng mga Israelita ang mga 600 batas ng Kautusan? Ang mga sipi nito ay tiyak na bihira lamang noong una. Ang magiging hari ng Israel ay “susulat sa isang aklat para sa kaniyang sarili ng isang sipi ng kautusang ito . . . . , at kaniyang babasahin sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay, upang siya’y matutong matakot kay Jehova na kaniyang Diyos upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.” (Deuteronomio 17:18, 19) Isinaayos ng Diyos na ang Kautusan ay basahin tuwing ikapitong taon sa Kapistahan ng Kubol. (Deuteronomio 31:10-13) Bagaman ang gayong okasyon ay walang alinlangang nagpapasigla, iyon ay totoong madalang upang makapagbigay ng lubos na kaalaman.

      7 Isinaayos din ni Jehova na ang tribo ng Levi ‘ang magturo sa Jacob ng mga kahatulan ng Diyos at ng kautusan ng Diyos sa Israel.’ (Deuteronomio 33:8, 10; ihambing ang Malakias 2:7.) Sa ilang mga okasyon, ang mga Levita ay nagsagawa ng mga kampaniya ng pagtuturo bilang paglilingkod sa buong bansa. (2 Cronica 17:7-9; Nehemias 8:7-9) Lumilitaw nga na, nang sumapit ang panahon, ang mga tao sa pangkalahatan ay naaaring makakuha rin kahit na mga bahagi ng salita ng Diyos.a Kaya naman, ang salmista ay nakasulat: “Maligaya ang tao . . . [na] ang kasayahan ay nasa kautusan ni Jehova, at binabasa ang kaniyang kautusan at binubulaybulay araw at gabi.” (Awit 1:1, 2) Ang payo ni Moises na ‘ilagak ang kanilang puso sa salita ng Diyos’ ay para na rin ngang pagsasabi na gumawa ng isang masikap na pag-aaral ng Bibliya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share