Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang Karunungan ay Nasa mga Mahinhin”
    Ang Bantayan—2000 | Agosto 1
    • 12. Paano nagpakita si Gideon ng taktika sa pagsasakatuparan sa kaniyang atas?

      12 Bago ipadala si Gideon sa labanan, sinubok muna siya ni Jehova. Paano? Sinabihan si Gideon na gibain ang altar ni Baal na pag-aari ng kaniyang ama at putulin ang sagradong poste na nakatayo sa tabi niyaon. Kailangan ang lakas ng loob sa atas na ito, subalit nagpakita rin si Gideon ng kahinhinan at taktika sa paraan ng kaniyang pagsasakatuparan nito. Sa halip na ipakita niya sa madla ang kaniyang gagawin, si Gideon ay gumawa sa kadiliman ng gabi sa panahong malamang na hindi siya mahahalata. Isa pa, ginawa ni Gideon ang kaniyang atas taglay ang kinakailangang pag-iingat. Nagsama siya ng sampung lingkod​—marahil upang ang ilan ay magbantay habang ang iba naman ay katulong niya sa paggiba sa altar at sa sagradong poste.b Anuman ang nangyari noon, taglay ang pagpapala ni Jehova, natupad ni Gideon ang kaniyang atas, at sa kalaunan ay ginamit siya ng Diyos upang palayain ang Israel mula sa mga Midianita.​—Hukom 6:25-27.

  • “Ang Karunungan ay Nasa mga Mahinhin”
    Ang Bantayan—2000 | Agosto 1
    • b Ang taktika at pag-iingat ni Gideon ay hindi dapat ipagkamali na isang tanda ng karuwagan. Sa kabaligtaran, ang kaniyang katapangan ay pinatunayan ng Hebreo 11:32-38, na ibinibilang si Gideon sa mga “napalakas” at “naging magiting sa digmaan.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share