Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jepte
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Jepte Isang Lehitimong Anak. Ang ina ni Jepte ay “isang babaing patutot,” ngunit hindi naman ito nangangahulugang si Jepte ay isinilang dahil sa pagpapatutot o isang anak sa ligaw. Ang kaniyang ina ay isang patutot noon bago ito napangasawa ni Gilead bilang pangalawahing asawa, gaya ni Rahab na dating isang patutot ngunit nang maglaon ay napangasawa ni Salmon. (Huk 11:1; Jos 2:1; Mat 1:5) Bilang katibayan na si Jepte ay hindi anak sa ligaw, ipinakikita ng ulat na pinalayas siya ng kaniyang mga kapatid sa ama mula sa pangunahing asawa ni Gilead upang hindi siya makabahagi sa mana. (Huk 11:2) Karagdagan pa, nang dakong huli ay si Jepte ang kinilalang lider ng mga lalaki ng Gilead (na sa mga ito ay waring pangunahin ang kaniyang mga kapatid sa ama). (Huk 11:11) Bukod diyan, naghandog siya ng hain sa Diyos sa tabernakulo. (Huk 11:30, 31) Hindi posible ang alinman sa mga bagay na ito para sa isang anak sa ligaw, sapagkat espesipikong sinabi ng Kautusan: “Walang anak sa ligaw ang makapapasok sa kongregasyon ni Jehova. Maging hanggang sa ikasampung salinlahi ay walang sinumang mula sa kaniya ang makapapasok sa kongregasyon ni Jehova.”​—Deu 23:2.

  • Jepte
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Tinipon ng Israel sa Mizpa ang mga hukbo nito. Maliwanag na ang mga kapatid ni Jepte sa ama ay prominente sa matatandang lalaki ng Gilead. (Huk 10:17; 11:7) Nakita nila na kailangan ang wastong pangunguna at patnubay. (Huk 10:18) Natanto nila na dapat silang mapasailalim ng pagkaulo ng isang lalaking inatasan ng Diyos kung nais nilang talunin ang Ammon. (Huk 11:5, 6, 10) Tiyak na si Jepte at ang kaniyang mga tauhan ay nakagawa ng mga kabayanihan sa Tob, na nagpapahiwatig na siya ang pinili ng Diyos. (Huk 11:1) Ang mga lalaki ng Gilead ay nagpasiyang pumaroon kay Jepte, na hinamak nila noon, upang hilingin sa kaniya na maging kanilang ulo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share