Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jonatan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • 1. Isang Levita na naglingkod bilang saserdote may kaugnayan sa huwad na pagsamba sa bahay ni Mikas sa Efraim at nang maglaon ay sa mga Danita. Ang ulat sa Hukom kabanata 17 at 18 ay paulit-ulit na tumutukoy sa isang kabataang Levita na sa Hukom 18:30 ay tinatawag na “Jonatan na anak ni Gersom, anak ni Moises.” Ang naunang paglalarawan sa kaniya bilang “mula sa pamilya ni Juda” ay maaaring tumutukoy lamang sa kaniyang paninirahan sa Betlehem sa teritoryo ng Juda.​—Huk 17:7.

  • Jonatan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Nang ang pangunahing pangkat ng 600 lalaking Danita, kasama ang kanilang mga pamilya at mga alagang hayop, ay dumaan sa bahay ni Mikas habang patungong hilaga, kinuha nila ang mga kagamitan sa pagsamba pati ang inukit na imahen. Hinikayat din nila ang sakim na si Jonatan na sumama sa kanila, upang maging saserdote nila at hindi ng isang pamilya lamang. (Huk 17:7–18:21) Si Jonatan “at ang kaniyang mga anak ay naging mga saserdote sa tribo ng mga Danita hanggang sa araw na dalhin sa pagkatapon ang lupain.” (Huk 18:30) Ikinapit ito ng ilang komentarista sa isang pagsakop sa distrito, gaya ng ginawa ni Tiglat-pileser III, o sa lahat ng tribo sa hilaga noong 740 B.C.E. (2Ha 15:29; 17:6) Gayunman, yamang maliwanag na si Samuel ang sumulat ng Mga Hukom, tiyak na isang mas maagang pagkakapit ang tinutukoy. Binabanggit ng Hukom 18:31 na ‘pinanatili ng mga Danita na nakatindig sa ganang kanila ang inukit na imahen sa lahat ng mga araw na ang bahay ng tunay na Diyos ay nananatili sa Shilo.’ Nagpapahiwatig ito ng isang yugto ng panahon na maikakapit sa naunang talata, at pinagtitibay nito ang pangmalas na naglingkod ang pamilya ni Jonatan bilang mga saserdote hanggang noong mabihag ng mga Filisteo ang Kaban. Sinasabi ng iba na ang talata 30 ay dapat kabasahan ng, ‘hanggang noong araw na dalhin ang kaban sa pagkatapon.’ (1Sa 4:11, 22) Ngunit ang konklusyong ito tungkol sa panahong saklaw ng pagkasaserdote ng pamilya ni Jonatan ay maaaring tama kahit hindi baguhin ang pagbasa, sapagkat maaaring itinuturing ng talata 30 na sa diwa, ang lupain ay dinala sa pagkatapon nang mabihag ang Kaban.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share