-
“Isang Mahusay na Babae”Tularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
19, 20. (a) Bakit hindi agad kinuha ni Boaz si Ruth bilang asawa? (b) Paano nagpakita si Boaz ng kabaitan at pagmamalasakit kay Ruth at sa reputasyon nito?
19 Nagpatuloy si Boaz: “At ngayon, anak ko, huwag kang matakot. Ang lahat ng sinasabi mo ay gagawin ko para sa iyo, sapagkat ang lahat ng nasa pintuang-daan ng aking bayan ay nakababatid na ikaw ay isang mahusay na babae.” (Ruth 3:11) Gusto rin ni Boaz na maging asawa si Ruth; marahil ay hindi naman siya nagulat nang hilingin ni Ruth na maging kaniyang manunubos. Pero si Boaz ay isang matuwid na tao, at hindi niya basta gagawin ang sarili lang niyang kagustuhan. Sinabi niya kay Ruth na may isa pang manunubos na mas malapit na kamag-anak ng asawa ni Noemi. Kakausapin muna ni Boaz ang lalaking iyon at ibibigay sa kaniya ang pagkakataong maging asawa ni Ruth.
Dahil sa mabait at magalang na pakikitungo ni Ruth sa iba, nagkaroon siya ng mahusay na reputasyon
-
-
“Isang Mahusay na Babae”Tularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
21. Bakit nakilala si Ruth bilang “isang mahusay na babae,” at paano natin siya matutularan?
21 Tiyak na masayang-masaya si Ruth kapag naiisip niya ang sinabi ni Boaz—na kilala siya ng mga tao bilang “isang mahusay na babae”! Walang-alinlangang nagkaroon siya ng gayong reputasyon dahil sa pagsisikap niyang makilala si Jehova at maglingkod sa Kaniya. Nagpakita rin siya ng labis na kabaitan at pagmamalasakit kay Noemi at sa mga kababayan nito, anupat handa siyang makibagay sa paraan ng pamumuhay at mga kaugaliang di-pamilyar sa kaniya. Para matularan natin ang pananampalataya ni Ruth, magpakita tayo ng matinding paggalang sa iba at sa kanilang paraan ng pamumuhay at mga kaugalian. Kung gagawin natin iyan, magkakaroon din tayo ng magandang reputasyon.
-