Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kung Paano Ka Magkakaroon ng mga Tunay na Kaibigan
    Ang Bantayan—1987 | Setyembre 15
    • Dahilan sa taggutom, isang lalaking taga-Juda ang lumipat sa Moab kasama ang kaniyang asawa, si Noemi. Sumapit ang panahon na siya’y namatay. Sa kalaunan, ang kaniyang dalawang anak na lalaki ay napangasawa ng Moabitang mga babaing sina Ruth at Orpha. At nangyari na namatay ang mga anak na lalaki, anupa’t ang naiwan ay tatlong biyuda. Si Noemi, ang ina, ay nagpasiya na bumalik sa Juda, at ang kaniyang dalawang manugang na babae ay kasama niya nang pagbabalik. Subalit, nang sila’y nasa daan na sinabi ni Noemi sa dalawang babae na sila’y magsibalik at humanap muli ng magiging mga asawa sa kanilang sariling mga kababayan. Ganoon nga ang ginawa ni Orpha, subalit si Ruth ay pilit na sumama kay Noemi. Bakit? Sapagkat siya’y hindi lamang isang manugang na babae; siya’y isa rin namang tunay na kaibigan. Unang-una, dahilan sa siya’y maawain hindi niya papayagan ang may edad nang biyuda na ulila na sa kaniyang pamilya, na umuwing nag-iisa.​—Ruth 1:1-17.

      Si Ruth ay nagpakita ng tunay na empatiya, kabaitan, katapatan, at pag-ibig. Ang mga katangiang iyan ang siyang matatag na saligan ng tunay na pagkakaibigan. Subalit, may isa pang salik na kasangkot sa relasyon ni Ruth kay Noemi.

      Pagkakaibigan sa Isang Lalong Mataas na Kalagayan

      Nang himukin siya ni Noemi na bumalik na, sinabi ni Ruth: “Huwag mong ipamanhik sa akin na iwan ka, . . . sapagkat kung saan ka pumaroon doon din ako paroroon . . . Ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay magiging aking Diyos.” (Ruth 1:16) Si Noemi ang tumulong kay Ruth, na dating isang pagano, upang makilala at ibigin ang tunay na Diyos, si Jehova. Ang kanilang iisang paniniwala ang naging matibay na espirituwal na buklod sa dalawang babae upang maging tunay na magkaibigan. Sila’y pinagpala ni Jehova upang magkaroon ng isang bagong pamilya. Nang sumapit ang panahon, si Ruth ay nakapag-asawa kay Boaz, isang mayamang may-ari ng lupa sa Juda, at naging anak nila si Obed, na naging ninuno ni Haring David.​—Ruth 4:13-22; Mateo 1:5, 6.

      Ang espirituwal na salik na ito ang naglagay sa pagkakaibigan sa isang lalong mataas na kalagayan. Sa paano? Kung tungkol kay Ruth at Noemi, kapuwa sila sumasamba kay Jehova, “isang Diyos na maawain at magandang-loob, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging awa at katotohanan.” (Exodo 34:6) “Ang Diyos ay pag-ibig,” at kung taimtim na sumasamba tayo sa kaniya sa espiritu at katotohanan, tiyak na tayo’y lalago sa pag-ibig sa kaniya at sa ating mga kapuwa nilalang. (1 Juan 4:8; Juan 4:24) Sa gayon, tayo’y nagbabago. Tayo’y nagkakaroon ng isang palakaibigang interes sa iba, lalung-lalo na ang maaamo, na nagdurusang mga tao sa lahat ng lahi. Ang mga taong makaako ay nababawasan ang pagiging gayon. Ang mga taong mapag-imbot ay nagkakaroon ng malasakit sa iba. Tayo’y nagsisimulang kakitaan ng bunga ng espiritu ng Diyos​—“pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, pagpipigil sa sarili.”​—Galacia 5:22, 23.

  • Kung Paano Ka Magkakaroon ng mga Tunay na Kaibigan
    Ang Bantayan—1987 | Setyembre 15
    • [Larawan sa pahina 7]

      Hindi iniwan ni Ruth si Noemi sapagkat ang kanilang pagkakaibigan ay may matatag na saligan sa espirituwal. Ikaw ba’y may ganiyang mga tunay na kaibigan?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share