-
“Kung Saan Ka Paroroon ay Paroroon Ako”Ang Bantayan—2012 | Hulyo 1
-
-
Sa pagsisimula ng buhay ng dalawang babaing ito sa Betlehem, iniisip na ni Ruth kung paano niya susuportahan ang kaniyang sarili at si Noemi. Natutuhan niya na ang Kautusan ni Jehova sa Israel ay may maibiging probisyon para sa mahihirap. Sila ay maaaring pumunta sa bukid sa panahon ng pag-aani at maghimalay ng naiwan ng mga mang-aani at ng natira sa gilid ng bukid.c—Levitico 19:9, 10; Deuteronomio 24:19-21.
Panahon na ng pag-aani ng sebada, malamang na Abril sa kalendaryo ngayon, kaya pumunta si Ruth sa bukid para alamin kung sino ang papayag na maghimalay siya. Nagkataong napunta siya sa bukid ni Boaz, isang mayamang may-ari ng lupain at kamag-anak ng namatay na asawa ni Noemi, si Elimelec. Bagaman may karapatan si Ruth na maghimalay ayon sa Kautusan, nagpaalam pa rin siya sa kapatas. Pumayag ito, at saka pa lang siya nagsimulang magtrabaho.—Ruth 1:22–2:3, 7.
-
-
“Kung Saan Ka Paroroon ay Paroroon Ako”Ang Bantayan—2012 | Hulyo 1
-
-
c Tiyak na walang ganiyang kautusan sa bansa ni Ruth. Sa Gitnang Silangan noon, hindi maganda ang pakikitungo sa mga biyuda. Sinasabi ng isang reperensiya: “Pagkamatay ng asawang lalaki, karaniwan nang sa kaniyang mga anak na lalaki umaasa ang isang biyuda; kung wala naman, ibebenta na lang niya ang kaniyang sarili sa pagkaalipin, magiging patutot, o maghihintay na lang ng kamatayan.”
-