Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Isang Mahusay na Babae”
    Ang Bantayan—2012 | Oktubre 1
    • Si Ruth

      SI Ruth ay nakaluhod malapit sa bunton ng mga tangkay ng sebada na natipon niya sa araw na iyon. Kumakagat na ang dilim sa kabukiran ng Betlehem, at maraming trabahador ang umaahon na patungong pintuang-daan ng maliit na lunsod na nasa tuktok ng kabundukan. Dahil sa maghapong pagtatrabaho, tiyak na pagód na pagód si Ruth. Gayunman, patuloy pa rin siya sa paghampas sa mga tangkay gamit ang maliit na tungkod o panlugas para matanggal ang mga butil. Pagód man, naging maganda pa rin ang araw na iyon para kay Ruth.

  • “Isang Mahusay na Babae”
    Ang Bantayan—2012 | Oktubre 1
    • Si Ruth na nagtatrabahong mabuti

      Nagtrabahong mabuti si Ruth para sa kaniyang sarili at kay Noemi

      Matapos hampasin ni Ruth ang mga tangkay at tipunin ang mga butil, nakita niyang nakapaghimalay siya ng mga isang takal na epa, o 22 litro, ng sebada. Posibleng mga 14 na kilo ito! Maaaring ibinalot niya ito sa isang tela at saka sinunong. Pagkatapos, umuwi na siya sa Betlehem nang papalubog na ang araw.​—Ruth 2:17.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share