-
“Isang Mahusay na Babae”Tularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
7, 8. (a) Para kay Noemi, kanino talaga galing ang kabaitang ipinakita ni Boaz, at bakit? (b) Paano pa ipinakita ni Ruth ang matapat na pag-ibig sa kaniyang biyenan?
7 Ikinuwento ni Ruth kay Noemi ang tungkol sa kabaitan ni Boaz. Kaya sinabi ni Noemi: “Pagpalain siya ni Jehova, na hindi nagpabaya ng kaniyang maibiging-kabaitan sa buháy at sa patay.” (Ruth 2:20) Itinuring niyang ang kabaitan ni Boaz ay galing kay Jehova, na nagpapakilos sa Kaniyang mga lingkod na maging bukas-palad at nangangakong gagantimpalaan ang Kaniyang bayan sa pagpapakita nila ng kabaitan.a—Basahin ang Kawikaan 19:17.
-
-
“Isang Mahusay na Babae”Tularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
a Gaya ng sinabi ni Noemi, mabait si Jehova hindi lang sa mga buháy kundi maging sa mga patay. Namatayan si Noemi ng asawa’t dalawang anak. Namatayan naman si Ruth ng asawa. Tiyak na mahal na mahal nila ang tatlong lalaking iyon. Kaya anumang kabaitang ipinakita kina Noemi at Ruth ay kabaitan din sa mga lalaking iyon na ang tiyak na hangarin ay mapangalagaan sina Noemi at Ruth.
b Ang unang may karapatang kumuha sa isang biyuda para maging asawa ay ang mga kapatid ng namatay niyang asawa at pagkatapos ay ang pinakamalapit na kamag-anak nito, gaya rin ng karapatan sa mana.—Bil. 27:5-11.
-
-
“Isang Mahusay na Babae”Tularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
11, 12. (a) Nang tawagin ni Noemi si Boaz na isang “manunubos,” anong maibiging probisyon ng Kautusan ng Diyos ang tinutukoy niya? (b) Paano tumugon si Ruth sa payo ng kaniyang biyenan?
11 Nang unang banggitin ni Ruth si Boaz, sinabi ni Noemi: “Ang lalaking iyon ay kamag-anak natin. Siya ay isa sa ating mga manunubos.” (Ruth 2:20) Ano ang ibig sabihin niyan? Ang Kautusan ng Diyos sa Israel ay may maibiging mga probisyon para sa mga pamilyang naghihirap dahil sa karalitaan o pagkamatay ng kapamilya. Kapag nabiyuda ang isang babae nang walang anak, tiyak na manlulumo siya dahil walang magmamana ng pangalan ng asawa niya at mapuputol ang lahi nito. Pero ayon sa Kautusan ng Diyos, puwede siyang kuning asawa ng kaniyang bayaw para magkaroon siya ng anak na magdadala sa pangalan ng namatay niyang asawa at mangangalaga sa kabuhayan ng pamilya.b—Deut. 25:5-7.
-