Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Isang Mahusay na Babae”
    Ang Bantayan—2012 | Oktubre 1
    • Nagkuwentuhan ang dalawa, at sinabi ni Ruth kay Noemi ang tungkol sa kabaitan ni Boaz. Kaya sinabi ni Noemi: “Pagpalain siya ni Jehova, na hindi nagpabaya ng kaniyang maibiging-kabaitan sa buháy at sa patay.” (Ruth 2:19, 20) Itinuring niyang ang kabaitan ni Boaz ay galing kay Jehova, na nagpapakilos sa Kaniyang mga lingkod na maging bukas-palad at nangangakong gagantimpalaan ang Kaniyang bayan sa pagpapakita nito ng kabaitan.b​—Kawikaan 19:17.

  • “Isang Mahusay na Babae”
    Ang Bantayan—2012 | Oktubre 1
    • Nang unang banggitin ni Ruth si Boaz, sinabi ni Noemi: “Ang lalaking iyon ay kamag-anak natin. Siya ay isa sa ating mga manunubos.” (Ruth 2:20) Ano ang ibig sabihin niyan? Ang Kautusan ng Diyos sa Israel ay may maibiging mga paglalaan para sa pamilyang nagdurusa dahil sa karalitaan o pagkamatay ng mahal sa buhay. Kapag ang isang babae ay nabiyuda nang walang anak, siya ay manlulumo dahil wala nang magmamana ng pangalan ng asawa niya at wala na itong magiging inapo. Pero ayon sa Kautusan ng Diyos, puwede siyang kuning asawa ng kaniyang bayaw para magkaanak siya na magpapatuloy sa pangalan ng namatay niyang asawa at mangangalaga sa kabuhayan ng pamilya.c​—Deuteronomio 25:5-7.

  • “Isang Mahusay na Babae”
    Ang Bantayan—2012 | Oktubre 1
    • b Gaya ng sinabi ni Noemi, si Jehova ay mabait hindi lang sa mga buháy, kundi maging sa mga patay. Si Noemi ay namatayan ng asawa’t dalawang anak. Namatayan naman si Ruth ng asawa. Tiyak na mahal na mahal nila ang tatlong lalaking iyon. Anumang kabaitang ipinakita kina Noemi at Ruth, sa diwa, ay kabaitan din sa mga lalaking iyon na ang tiyak na hangarin ay ang mapangalagaan sina Noemi at Ruth.

      c Ang unang may karapatang kumuha sa isang biyuda para maging asawa ay ang mga kapatid ng namatay niyang asawa at pagkatapos ay ang pinakamalapit na kamag-anak nito, gaya ng sa karapatan sa mana.​—Bilang 27:5-11.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share