Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1986 | Hunyo 1
    • Ang padalus-dalos na panunumpa ni Saul ay naghanay sa Israel para sa pagtanggap ng isang sumpa, ngunit waring si Jonathan ay hindi dumanas ng di pagsang-ayon ni Jehova dahilan sa paglabag sa pinanumpaan.

      Ang Unang Samuel 14:24-45 ang naglalahad ng pangyayaring ito. Ang mga Israelita, na naging matapang dahilan sa mga tagumpay ni Jonathan, ay nakikipagbaka sa kaaway na mga Filisteo. Sinabi ni Haring Saul: “Sumpain ang lalaki na kumain ng anumang pagkain bago gumabi at hanggang sa makapaghiganti ako sa aking mga kaaway!” (1 Sam 14 talata 24) Yamang hindi niya nalalaman ang pinanumpaang ito ng kaniyang ama, si Jonathan ay nagpanibagong-lakas sa pamamagitan ng pagkain ng pulot-pukyutan. Ang mga ibang mandirigmang Isaraelita, na hapo na rin, ay nagkasala sapagkat kumatay sila ng baka at kinain nila ang karne na hindi pinatulo ang dugo. Si Saul ay nagtayo ng dambana ukol sa kasalanang iyon, ngunit hindi niya alam ang ginawa ng kaniyang anak.

      Nang si Saul ay humingi ng patnubay sa Diyos para maipagpatuloy niya ang pakikipagbaka, si Jehova ay hindi tumugon. Sa pamamagitan ng paggamit ng Thummin (marahil ito’y may kinalaman sa mga sagradong palabunutan), napag-alaman ni Saul na nilabag ng kaniyang anak ang pinanumpaan. Subalit sa talaga’y gaano bang kalaki ang pagkakasala ni Jonathan?

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1986 | Hunyo 1
    • Hindi pinayagan ng Diyos ang paggamit ng Thummin upang alamin kung nilabag ni Jonathan (dahil sa kawalang-alam) ang pinanumpaan ni Saul, ngunit hindi ibig sabihin na Kaniyang sinasang-ayunan ang padalus-dalos na panunumpa. Hindi sinasabi ng anumang ulat na si Jonathan ay nagkasala ayon sa paningin ng Diyos. Ang totoo, bagaman si Jonathan ay handang tumanggap ng parusa dahil sa paglabag sa pinanumpaan ng kaniyang ama, ang mga pangyayari ay humantong sa pagkaligtas ng buhay ni Jonathan. Sinabi ng mga kawal na Israelita na nagtagumpay si Jonathan “sa pamamagitan ng Diyos,” at kanilang pinawalang-sala si Jonathan. Sa sumunod na mga taon, si Jonathan ang patuloy na nagtamo ng pagsang-ayon ni Jehova habang si Saul ay nahuhulog sa sunud-sunod na pagkakamali.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share