-
Sikaping Malasin ang Iba Kung Paano Sila Minamalas ni JehovaAng Bantayan—2003 | Marso 15
-
-
Sikaping Malasin ang Iba Kung Paano Sila Minamalas ni Jehova
“Hindi ayon sa paraan ng pagtingin ng tao ang paraan ng pagtingin ng Diyos.”—1 SAMUEL 16:7.
1, 2. Paano naiiba ang pangmalas ni Jehova kay Eliab sa pangmalas ni Samuel, at ano ang ating matututuhan dito?
NOONG ika-11 siglo B.C.E., isinugo ni Jehova ang propetang si Samuel para sa isang lihim na misyon. Inutusan niyang magtungo ang propeta sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Jesse at pahiran ang isa sa mga anak ni Jesse upang maging hari ng Israel sa hinaharap. Nang makita ni Samuel ang panganay na anak ni Jesse, si Eliab, inakala niya na natagpuan na niya ang pinili ng Diyos. Ngunit sinabi ni Jehova: “Huwag kang tumingin sa kaniyang anyo at sa taas ng kaniyang tindig, sapagkat itinakwil ko siya. Sapagkat hindi ayon sa paraan ng pagtingin ng tao ang paraan ng pagtingin ng Diyos, sapagkat ang tao ay tumitingin sa kung ano ang nakikita ng mga mata; ngunit kung tungkol kay Jehova, tumitingin siya sa kung ano ang nasa puso.” (1 Samuel 16:6, 7) Ang naging pangmalas ni Samuel kay Eliab ay hindi katulad ng pangmalas ni Jehova.a
-
-
Sikaping Malasin ang Iba Kung Paano Sila Minamalas ni JehovaAng Bantayan—2003 | Marso 15
-
-
a Naging maliwanag nang dakong huli na hindi taglay ng makisig na si Eliab ang mga katangian ng isang angkop na hari ng Israel. Nang hamunin ng higanteng Filisteo na si Goliat ang mga Israelita sa labanan, si Eliab, pati na ang iba pang mga lalaki ng Israel, ay naduwag sa takot.—1 Samuel 17:11, 28-30.
-