-
“Kay Jehova ang Pagbabaka”Ang Bantayan (Pampubliko)—2016 | Blg. 5
-
-
Sinabi ni David sa hari ang nakapagpapatibay na pananalitang ito: “Huwag nawang malugmok sa loob niya ang puso ng sinumang tao.” Ang totoo, natakot talaga si Saul at ang kaniyang hukbo kay Goliat. Marahil ay ikinumpara nila ang kanilang sarili sa napakataas na lalaking iyon, anupat iniisip na hanggang dibdib lang sila nito. Iniisip nilang wala silang kalaban-laban sa higanteng iyon na kumpleto sa armas. Pero hindi iyon ang nasa isip ni David. Gaya ng makikita natin, ibang-iba ang tingin niya sa problema. Kaya sinabi niyang siya mismo ang lalaban kay Goliat.—1 Samuel 17:32.
-
-
“Kay Jehova ang Pagbabaka”Ang Bantayan (Pampubliko)—2016 | Blg. 5
-
-
Nakikita ni David na napakalaki ni Goliat at kumpleto sa sandata. Pero hindi ito nagpahina ng kaniyang loob. Hindi niya tinularan ang pagkakamaling ginawa ni Saul at ng hukbo nito. Hindi niya ikinumpara ang kaniyang sarili kay Goliat. Sa halip, ikinumpara niya si Goliat kay Jehova. Sa taas na 2.9 metro (siyam at kalahating talampakan), talagang napakataas ni Goliat kumpara sa ibang tao. Pero gaano ba siya kalaki kumpara sa Soberano ng uniberso? Aba, para lang siyang insekto na kayang-kayang tirisin ni Jehova!
Sinugod ni David ang kaniyang kalaban habang dumudukot ng bato sa kaniyang bag. Inilagay niya ito sa panghilagpos at saka iwinasiwas hanggang sa humugong ito. Papalapít naman si Goliat kay David, na malamang ay protektado ng tagapagdala ng kalasag na nasa unahan niya. Sa halip na makatulong, nakasamâ pa nga ang pagiging matangkad ni Goliat dahil hindi maprotektahan ng tagapagdala ng kalasag ang ulo ng higanteng ito. At iyon ang pinuntirya ni David.—1 Samuel 17:41.
Kumbinsido si David na maging ang higante ay napakaliit kumpara sa Diyos na Jehova
-
-
Ang Pakikipaglaban ni David kay Goliat—Talaga Bang Nangyari Ito?Ang Bantayan (Pampubliko)—2016 | Blg. 5
-
-
1 | Posible bang tumaas nang mga 2.9 metro ang isang tao?
Sinasabi ng Bibliya na si Goliat ay may taas na “anim na siko at isang dangkal.” (1 Samuel 17:4) Ang isang siko ay katumbas ng 44.5 sentimetro, at ang isang dangkal naman ay katumbas ng 22.2 sentimetro. Kaya ang kabuoan nito ay halos 2.9 metro o mga siyam at kalahating talampakan. Iginigiit ng ilan na imposibleng maging ganoon kataas si Goliat, pero pag-isipan ito: Sa ngayon, ang naiulat na pinakamatangkad na tao ay mahigit 2.7 metro. Kaya hindi imposible na si Goliat ay mas mataas lang nang 15 sentimetro o higit pa. Siya ay mula sa tribo ng mga Repaim, mga lalaki na kilaláng may di-pangkaraniwang taas. Isang dokumento mula sa Ehipto noong ika-13 siglo B.C.E. ang bumanggit tungkol sa ilang nakatatakot na mandirigma sa Canaan na may taas na mahigit 2.4 metro. Kaya ang taas ni Goliat, bagaman di-pangkaraniwan, ay hindi imposible.
-