Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Kay Jehova ang Pakikipagbaka”
    Ang Bantayan—1989 | Enero 1
    • 1, 2. (a) Anong hamon ang napaharap sa hukbo ng Israel sa ilalim ng pangunguna ni Haring Saul? (b) Ano ang ikinilos ng mga lalaki ng hukbo ng Israel nang mapaharap sa hamon ni Goliat, at sino ngayon ang lumilitaw sa tanawin?

      DALAWANG malalakas na hukbo ang nakaharap sa isa’t isa sa magkabilang panig ng libis ng Elah, sa timog-kanluran ng Jerusalem. Nasa isang panig ang hukbo ng Israel, na pinangungunahan ng natatakot na si Haring Saul. Nasa kabilang panig naman ang hukbong Filisteo at ang higanting kampeon niyaon, si Goliat. Marahil, ang ibig sabihin ng pangalang Goliat ay “Kapansin-pansin.” Siya’y mga 2.7 metro ang tangkad at armado nang husto. Si Goliat ay sumisigaw ng pamumusong na hamon sa Israel.​—1 Samuel 17:1-11.

  • “Kay Jehova ang Pakikipagbaka”
    Ang Bantayan—1989 | Enero 1
    • 3. Ano ang dala ni David sa pakikipaglaban, ngunit ano naman ang dala ni Goliat?

      3 Nang mabalitaan na ‘dinudusta [ni Goliat] ang mga kawal ng Diyos na buháy,’ si David ay naghandog ng kaniyang sarili upang makipagbaka sa higante. Nang pumayag si Saul, humayo si David ngunit hindi siya nabibihisan ng kagamitang kalasag at mga armas na inialok noon ni Saul. Ang dala niya ay isa lamang tungkod, panghilagpos, at limang makikinis na bato​—kabaligtaran naman ni Goliat, na may dalang sibat na may talim sa dulo na may bigat na 7 kilo at may suot na baluting tanso na 57 kilo ang bigat! Habang ang malakas na si Goliat at ang kaniyang tagapagdala ng kalasag ay umaabante, ‘nilait ng Filisteo si David sa pamamagitan ng kaniyang mga diyos.’​—1 Samuel 17:12-44.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share