-
Isang Lalaking Kalugud-lugod sa Puso ni JehovaAng Bantayan—2011 | Setyembre 1
-
-
Mapanganib ang trabaho ni David. Sa mga buról na ito siya lumaban sa leon at oso na tumangay sa kaniyang tupa.a Hinabol ng matapang na kabataang ito ang mga maninila, pinatay ang mga iyon, at sinagip ang kaniyang mga tupa mula sa bibig ng mga iyon. (1 Samuel 17:34-36) Marahil sa yugtong ito ng buhay ni David nahasa ang kaniyang kakayahan sa paggamit ng panghilagpos. Malapit sa kaniyang sariling bayan ang teritoryo ng Benjamin. Ang mga asintado sa tribong iyan ay nakapagpapahilagpos ng mga bato “anupat gabuhok man ay hindi sumasala.” Ganiyan din kahusay si David.—Hukom 20:14-16; 1 Samuel 17:49.
-
-
Isang Lalaking Kalugud-lugod sa Puso ni JehovaAng Bantayan—2011 | Setyembre 1
-
-
a Ang Syrian brown bear, na dating nakikita sa Palestina, ay tumitimbang nang mga 140 kilo at nakapapatay sa pamamagitan ng mga hampas ng pangalmot nito. Maraming leon noon sa lugar na iyon. Sinasabi sa Isaias 31:4 na hindi kayang itaboy maging ng “hustong bilang ng mga pastol” ang isang “may-kilíng na batang leon” mula sa nasila nito.
-