Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kumilos Siya Nang May Kaunawaan
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • Ang magandang si Abigail

      KABANATA 9

      Kumilos Siya Nang May Kaunawaan

      1-3. (a) Bakit may nagbabantang panganib sa sambahayan ni Abigail? (b) Ano ang aalamin natin tungkol sa kahanga-hangang babaing ito?

      KITANG-KITA ni Abigail ang pag-aalala at takot sa mga mata ng kabataang lalaki​—at may dahilan naman. May nagbabantang malaking panganib. Nang pagkakataong iyon, paparating ang mga 400 mandirigma na determinadong patayin ang lahat ng lalaki sa sambahayan ni Nabal, ang asawa ni Abigail. Bakit kaya?

      2 Dahil ito kay Nabal. Gaya ng dati, naging malupit siya at mapanlait. Pero sa pagkakataong ito, nagkamali siya ng taong ininsulto​—ang minamahal na kumandante ng isang grupo ng tapat at bihasang mga mandirigma. Ngayon, isa sa mga kabataang lingkod ni Nabal, malamang na isang pastol, ang lumapit kay Abigail, anupat nagtitiwalang makakaisip ito ng paraan para iligtas sila. Pero ano naman ang magagawa ng isang babae laban sa isang grupo ng mga mandirigma?

      Ano ang magagawa ng isang babae laban sa isang grupo ng mga mandirigma?

  • Kumilos Siya Nang May Kaunawaan
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • “Sinigawan Niya Sila ng mga Panlalait”

      8. Sino ang ininsulto ni Nabal, at bakit masasabing mali ang ginawa niya?

      8 Lalo pang pinahirap ni Nabal ang sitwasyon ni Abigail. Ang lalaking ininsulto niya ay walang iba kundi si David. Ito ang tapat na lingkod ni Jehova na pinahiran ng propetang si Samuel dahil pinili siya ng Diyos para humalili kay Saul bilang hari. (1 Sam. 16:1, 2, 11-13) Naninirahan si David sa ilang kasama ang kaniyang 600 tapat na mandirigma dahil nagtatago siya kay Haring Saul na naiinggit sa kaniya at gusto siyang patayin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share