Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ibinuhos Niya sa Diyos ang Laman ng Kaniyang Puso
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • 9. Ano ang matututuhan natin sa pagsama ni Hana sa paglalakbay patungong Shilo kahit alam niya ang gagawin ng kaniyang karibal?

      9 Maaga pa ay abalang-abala na ang pamilya. Pati ang mga bata ay naghahanda para sa paglalakbay. Para makarating sa Shilo, kailangang lakbayin ng pamilya ang mahigit 30 kilometro ng maburol na lupain ng Efraim.b Kung maglalakad sila, tatagal ito nang isa o dalawang araw. Alam ni Hana ang gagawin ng kaniyang karibal. Pero hindi pa rin siya nagpaiwan sa bahay. Kaya isa siyang huwaran para sa mga mananamba ng Diyos hanggang sa ngayon. Hindi isang katalinuhan na hayaang makahadlang sa ating pagsamba ang maling paggawi ng iba. Kung gagawin natin iyon, hindi natin matatanggap ang mga pagpapalang tutulong sa atin na makapagbata.

  • Ibinuhos Niya sa Diyos ang Laman ng Kaniyang Puso
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • b Ang distansiya ay batay sa posibilidad na ang bayan ni Elkana, ang Rama, ang siya ring lugar na tinatawag na Arimatea noong panahon ni Jesus.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share