Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ibinuhos Niya ang Laman ng Kaniyang Puso sa Diyos sa Panalangin
    Ang Bantayan—2010 | Hulyo 1
    • NAGPAKAABALA si Hana sa paghahanda sa paglalakbay para malimutan ang kaniyang mga problema. Masayang panahon sana iyon; nakaugalian nang isama ng kaniyang asawang si Elkana ang buong pamilya sa taunang mga paglalakbay na ito upang sumamba sa tabernakulo sa Shilo. Gusto ni Jehova na maging masaya ang gayong mga okasyon. (Deuteronomio 16:15) Mula pagkabata, tiyak na tuwang-tuwa na si Hana sa mga kapistahang iyon. Pero nagbago ang mga bagay-bagay.

  • Ibinuhos Niya ang Laman ng Kaniyang Puso sa Diyos sa Panalangin
    Ang Bantayan—2010 | Hulyo 1
    • Maaga pa ay abalang-abala na ang pamilya. Pati ang mga bata ay naghahanda sa paglalakbay. Para makarating sa Shilo, kailangang lakbayin ng pamilya ang mahigit 30 kilometro ng maburol na lupain ng Efraim.c Kung maglalakad sila, tatagal ito nang isa o dalawang araw. Alam ni Hana ang gagawin ng kaniyang karibal. Pero hindi pa rin siya nagpaiwan sa bahay. Kaya isa siyang huwaran para sa mga mananamba ng Diyos hanggang sa ngayon. Hindi natin dapat hayaang makahadlang sa ating pagsamba ang maling paggawi ng iba. Kung gagawin natin iyon, hindi natin matatanggap ang mga pagpapalang tutulong sa atin na magbata.

  • Ibinuhos Niya ang Laman ng Kaniyang Puso sa Diyos sa Panalangin
    Ang Bantayan—2010 | Hulyo 1
    • c Ang distansiya ay batay sa posibilidad na ang bayan ni Elkana, ang Rama, ang siya ring lugar na tinatawag na Arimatea noong panahon ni Jesus.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share