-
Kapag Humingi ng Tawad ang “Pusong Wasak at Durog”Ang Bantayan—2010 | Mayo 1
-
-
Para hindi na maipagmatuwid ni David ang kaniyang kasalanan, nagkuwento si Natan na tiyak na aantig sa puso ng isang dating pastol. Tungkol ito sa dalawang lalaki, isang mayaman at isang mahirap. “Napakaraming tupa at baka” ng taong mayaman, ngunit “isang babaing kordero” lamang ang pag-aari ng taong mahirap. May dumating na bisita ang taong mayaman at nais niyang maghanda ng pagkain. Sa halip na pumili ng isa sa kaniyang mga tupa, kinuha niya ang nag-iisang kordero ng taong mahirap. Dahil inakala ni David na totoo ang kuwento, nagalit siya nang husto at sumigaw: “Ang taong gumagawa nito ay dapat mamatay!” Bakit? “Sapagkat hindi siya nahabag,” ang sabi ni David.a—Talata 2-6.
-
-
Kapag Humingi ng Tawad ang “Pusong Wasak at Durog”Ang Bantayan—2010 | Mayo 1
-
-
a Ang paghahanda ng isang kordero para sa bisita ay tanda ng pagkamapagpatuloy. Pero ang pagnanakaw ng isang kordero ay isang krimen. Bilang parusa, dapat itong bayaran ng apat na tupa. (Exodo 22:1) Sa tingin ni David, malupit ang ginawa ng taong mayaman. Pinagkaitan niya ang taong mahirap ng isang hayop na makapaglalaan sana sa pamilya nito ng gatas at lana. Nawalan rin ng pagkakataon ang taong mahirap na dumami pa ang kaniyang tupa.
-