-
Ang Jerusalem at ang Templo ni Solomon‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’
-
-
Ang Jerusalem ay may taas na 750 metro sa gitnang kabundukan ng Judea. Tinutukoy ng Bibliya ang “katayugan” nito at ang mga mananamba na ‘umaahon’ upang marating ito. (Aw 48:2; 122:3, 4) Ang sinaunang lunsod ay napalilibutan ng mga libis: ang Libis ng Hinom sa kanluran at timog at ang agusang libis ng Kidron sa silangan. (2Ha 23:10; Jer 31:40) Ang bukal ng Gihona sa Libis ng Kidron at ang En-rogel sa timog ay nagsusuplay ng maiinom na tubig, na kailangang-kailangan kapag sumasalakay ang mga kaaway.—2Sa 17:17.
-