Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Jerusalem Noong Panahon ng Bibliya—Ano ang Isinisiwalat ng Arkeolohiya?
    Ang Bantayan—1997 | Hunyo 15
    • Malapit sa istrakturang ito ang mga pasukan ng mga sistemang patubig ng sinaunang lunsod, na ang ilang bahagi nito ay waring noon pang panahon ni David. Nagbangon ng mga tanong ang ilang pangungusap sa Bibliya tungkol sa sistema ng tunel ng tubig ng Jerusalem. Halimbawa, sinabi ni David sa kaniyang mga tauhan na “sinumang mananakit sa mga Jebusita, hayaan siya, sa pamamagitan ng tunel ng tubig, na makipagharap” sa kaaway. (2 Samuel 5:8) Ginawa ito ng kumandante ni David na si Joab. Ano ba ang talagang kahulugan ng pananalitang “tunel ng tubig”?

  • Ang Jerusalem Noong Panahon ng Bibliya—Ano ang Isinisiwalat ng Arkeolohiya?
    Ang Bantayan—1997 | Hunyo 15
    • Matagal nang kinikilala ng mga iskolar na ang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng sinaunang lunsod ay ang bukal ng Gihon. Matatagpuan ito sa labas ng napapaderang lunsod subalit sapat ang lapit upang makahukay ng isang tunel at isang 11-metro-ang-lalim na daanan, na mapagkukunan ng tubig ng mga naninirahan nang hindi lumalabas sa nagsasanggalang na mga pader. Kilala ito bilang Warren’s Shaft, isinunod sa pangalan ni Charles Warren, na siyang nakatuklas sa sistema noong 1867. Subalit kailan ginawa ang tunel at ang daanan? Umiiral na kaya ang mga ito noong panahon ni David? Ito ba ang tunel ng tubig na ginamit ni Joab? Ganito ang sagot ni Dan Gill: “Upang matiyak kung talaga ngang likas na guwang ang Warren’s Shaft, sinuri namin kung may carbon-14 ang isang piraso ng matigas na sapin ng lupa na galing sa baku-bakong pader nito. Wala itong taglay, anupat ipinakikita na ang sapin ng lupa ay mahigit sa 40,000 taon nang umiiral: Naglalaan ito ng di-matututulang katibayan na ang daanan ay hindi maaaring hinukay ng tao.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share