Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isang Pagdalaw na Saganang Pinagpala
    Ang Bantayan—1999 | Hulyo 1
    • Gayon na lamang ang paghanga ng reyna ng Sheba sa karunungan ni Solomon at sa kasaganaan ng kaniyang kaharian anupat “nawalan siya ng espiritu.” (1 Hari 10:4, 5) Sinasabi ng ilan na ang pariralang ito ay nangangahulugan na ang reyna ay “halos di-makahinga.” Sinabi pa nga ng isang iskolar na ito’y hinimatay! Anuman ang nangyari, namangha ang reyna sa kaniyang nakita at narinig. Sinabi niyang maligaya ang mga lingkod ni Solomon sa pagkarinig sa karunungan ng haring ito, at pinagpala niya si Jehova sa pagluluklok kay Solomon sa trono. Pagkatapos ay binigyan niya ang hari ng mamahaling mga regalo, ang ginto lamang ay nagkakahalaga sa kabuuan, sa halaga ngayon, ng mga $40,000,000. Nagregalo rin si Solomon, anupat ibinigay sa reyna “ang lahat ng kaniyang kinalugdan na hiniling niya.”c​—1 Hari 10:6-13.

  • Isang Pagdalaw na Saganang Pinagpala
    Ang Bantayan—1999 | Hulyo 1
    • c Binibigyan-kahulugan ng ilan ang pariralang ito na ang reyna ay nagkaroon ng seksuwal na kaugnayan kay Solomon. Sinasabi pa ng mga alamat na nagkaroon pa nga sila ng isang anak na lalaki. Gayunman, walang katibayan upang umalalay sa alinman dito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share