-
Naghintay Siya at Naging MapagbantayTularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
17, 18. (a) Ano ang nangyari kay Elias sa daan papuntang Jezreel? (b) Ano ang kamangha-mangha sa pagtakbo ni Elias mula Carmel hanggang Jezreel? (Tingnan din ang talababa.)
17 Sinimulang tahakin ng propeta ni Jehova ang daang binagtas ni Ahab. Mahaba ang paglalakbay, at ang daan ay maputik at madilim. Pero nakapagtataka ang sumunod na nangyari.
18 “Ang mismong kamay ni Jehova ay suma kay Elias, anupat binigkisan niya ang kaniyang mga balakang at tumakbo nang una pa kay Ahab hanggang sa Jezreel.” (1 Hari 18:46) Maliwanag, inaalalayan ng “mismong kamay ni Jehova” si Elias sa kahima-himalang paraan. Tatlumpung kilometro ang layo ng Jezreel, at matanda na si Elias.a Gunigunihin ang propeta na nagbibigkis ng mahabang kasuutan sa kaniyang balakang upang malaya siyang makagalaw, at tumatakbo sa maputik na daanang iyon—napakabilis anupat naabutan niya at nalampasan pa nga ang karo ng hari!
19. (a) Anong mga hula ang ipinaaalaala sa atin ng bigay-Diyos na lakas at sigla ni Elias? (b) Habang tumatakbo si Elias papuntang Jezreel, sa ano siya nakatitiyak?
19 Isa ngang pagpapala iyan para kay Elias! Ang madama ang gayong lakas at sigla—marahil higit pa sa taglay niya noong kaniyang kabataan—ay talagang kapana-panabik na karanasan. Ipinaaalaala nito sa atin ang mga hulang tumitiyak ng sakdal na kalusugan at kalakasan para sa mga tapat sa darating na Paraiso sa lupa. (Basahin ang Isaias 35:6; Luc. 23:43) Habang tumatakbo si Elias sa maputik na daang iyon, nakatitiyak siyang nasa kaniya ang pagsang-ayon ng kaniyang Ama, ang tanging tunay na Diyos, si Jehova!
-
-
Tumanggap Siya ng Kaaliwan Mula sa Kaniyang DiyosTularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
1, 2. Ano ang nangyari sa di-malilimutang araw na iyon sa buhay ni Elias?
TUMATAKBO si Elias sa ulan habang lalong nagdidilim ang langit. Matanda na siya at malayo pa ang tatakbuhin niya bago makarating sa Jezreel. Pero hindi siya napapagod dahil “ang mismong kamay ni Jehova” ay sumasakaniya. Ngayon lang siya naging ganito kalakas. Aba, naunahan pa niya ang mga kabayong humihila sa karo ni Haring Ahab!—Basahin ang 1 Hari 18:46.
-