-
Naghintay Siya at Naging MapagbantayAng Bantayan—2008 | Abril 1
-
-
Sinimulang tahakin ng propeta ni Jehova ang daang binagtas ni Ahab. Mahaba ang paglalakbay, maputik at madilim ang daan. Pero kakaiba ang sumunod na nangyari.
“Ang mismong kamay ni Jehova ay suma kay Elias, anupat binigkisan niya ang kaniyang mga balakang at tumakbo nang una pa kay Ahab hanggang sa Jezreel.” (Talata 46) Maliwanag, “ang mismong kamay ni Jehova” ay umalalay kay Elias sa isang kahima-himalang paraan. Mga 30 kilometro pa ang layo ng Jezreel, at may-edad na rin naman si Elias.e Ilarawan sa iyong isip ang propeta habang ibinibigkis niya ang kaniyang mahabang kasuutan sa kaniyang balakang upang malaya siyang makagalaw, at pagkatapos ay tumatakbo sa maputik na daanang iyon—tumatakbo nang napakabilis anupat naabutan niya, nalampasan, at napag-iwanan pa nga ang karo ng hari!
Isa ngang pagpapala iyan para kay Elias! Ang madama ang gayong lakas, sigla, at resistensiya—marahil nang higit pa sa naramdaman niya noong kabataan pa lamang siya—ay talagang isang kapana-panabik na karanasan. Ipinaaalaala nito sa atin ang mga hulang tumitiyak ng sakdal na kalusugan at kalakasan para sa tapat na mga indibiduwal sa darating na makalupang Paraiso. (Isaias 35:6; Lucas 23:43) Habang tumatakbo si Elias sa maputik na daang iyon, nakatitiyak siyang taglay niya ang pagsang-ayon ng kaniyang Ama, ang tanging tunay na Diyos, si Jehova!
-
-
Naghintay Siya at Naging MapagbantayAng Bantayan—2008 | Abril 1
-
-
e Di-nagtagal pagkatapos nito, inatasan ni Jehova si Elias upang sanayin si Eliseo, na nakilala nang maglaon bilang ang isa na “nagbuhos ng tubig sa mga kamay ni Elias.” (2 Hari 3:11) Naging tagapaglingkod ni Elias si Eliseo. Ginawa ni Eliseo ang anumang makakaya niya upang tulungan ang nakatatandang lalaki.
-