-
JokmeamKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
2. Isang rehiyon na kahangga ng teritoryong pinangangasiwaan ng anak ni Ahilud na si Baana, isa sa 12 kinatawan ni Solomon. (1Ha 4:12) Maaaring ito rin ang Jokneam.
-
-
JokneamKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Isang lunsod sa Carmel. Nilupig ito ni Josue. (Jos 12:7, 22) Bagaman ang Jokneam ay orihinal na nakaatas sa tribo ni Zebulon (Jos 19:10, 11), nang maglaon ay ibinigay ito sa mga Meraritang Levita. (Jos 21:34) Karaniwang ipinapalagay ngayon na ito ang Tell Qeimun (Tel Yoqneʽam), na nasa isang gulod sa paanan ng Bundok Carmel, mga 11 km (7 mi) sa HK ng Megido. Mula roon ay matatanaw ang Libis ng Jezreel. Sa 1 Hari 4:12, posibleng ang “Jokmeam” ay maling baybay ng “Jokneam.”
-