-
Matututo Ka ba Buhat sa mga Lagay ng Panahon?Ang Bantayan—1990 | Setyembre 1
-
-
Ito’y maaaring makaapekto sa pangmalas mo sa mga pangyayari na tinutukoy sa Bibliya. Marahil ay mababasa mo ang tungkol sa paghirang ni Elias sa kaniyang kahalili: “Kaniyang . . . nasumpungan si Eliseo na anak ni Shaphat samantalang siya ay nag-aararo na may labindalawang parehang baka sa unahan niya.” (1 Hari 19:19) Sa palagay mo’y anong buwan naganap iyan, at ano kaya ang hitsura ng lupain? At sa Juan 4:35, ay sinabi ni Jesus: “Hindi baga sinasabi ninyo na may apat na buwan pa bago dumating ang pag-aani? . . . Itanaw ninyo ang inyong mga mata at malasin ang kabukiran, na maputi na upang anihin.” Bagaman tumukoy siya ng isang tiyak na panahon, nauunawaan mo ba kung kailan?
-
-
Matututo Ka ba Buhat sa mga Lagay ng Panahon?Ang Bantayan—1990 | Setyembre 1
-
-
Si Eliseo ay gumagawa ng isang pangunahing gawain na may kinalaman sa pag-aararo nang siya’y tawagin bilang isang propeta. Malamang na ang tinutukoy niyan na panahon ay Tishri (Setyembre-Oktubre), na tapos na ang sukdulang init ng tag-araw. Dahil sa maagang pag-ulan ay nagsimulang lumambot ang lupa, kung kaya’t naaari nang mag-araro, na sinusundan ng paghahasik ng binhi.
-