-
ZaretanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ito ay unang binanggit sa Josue 3:16, kung saan iniulat ang makahimalang pagtigil ng tubig ng Jordan “doon sa Adan, na lunsod sa tabi ng Zaretan.” Nang maglaon, ayon sa rekord, ang mga kasangkapang tanso para sa templo ay hinulma sa Distrito ng Jordan, “sa moldeng luwad, sa pagitan ng Sucot at Zaretan.” (1Ha 7:46) Dahil sa luwad na makukuha sa Libis ng Jordan, naging posible ang gayong gawaing paghuhulma ng tanso sa lugar na ito.
Yamang ang lugar ng Adan ay karaniwang ipinapalagay na nasa Tell ed-Damiyeh (sa S panig ng Jordan sa tapat ng pasukan patungo sa Wadi Farʽah) at yamang ang Sucot ay itinuturing na mga 13 km (8 mi) sa HHS ng Adan, ipinahihiwatig ng mga tekstong ito na ang Zaretan ay nasa K panig ng Jordan di-kalayuan sa Adan at Sucot. Ang taluktok na may taas na 82 m (270 piye) na kilala bilang Qarn Sartabeh, at tinatawag na “ang pangunahing palatandaan ng libis ng Jordan,” ay iminumungkahi ng ilan bilang ang malamang na lokasyon ng Zaretan. (Encyclopædia Biblica, inedit ni T. Cheyne, London, 1903, Tomo IV, tud. 5382) Ito ay nasa kabilang ibayo ng Jordan mula sa Adan, sa pasukan patungo sa Wadi Farʽah.
-
-
ZaretanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sa ulat ng 2 Cronica 4:17, na katulad ng ulat sa 1 Hari 7:46, “Zereda” ang lumilitaw sa halip na Zaretan, anupat marahil ay ibang baybay iyon ng pangalang ito.
-