Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sargon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa kaniyang mga ulat ng kasaysayan ay inangkin ni Sargon: “Kinubkob ko at nilupig ang Samaria (Sa-me-ri-na).” (Ancient Near Eastern Texts, inedit ni James B. Pritchard, 1974, p. 284) Gayunman, lumilitaw na iyon ay isa lamang mapaghambog na pag-aangkin ni Sargon o ng mga nagnais na lumuwalhati sa kaniya, na dito ay inangkin para sa bagong monarka ang naisagawa ng naunang tagapamahala. Isang kronikang Babilonyo, na maaaring mas neutral, ang nagsasabi may kinalaman kay Salmaneser V: “Sinalanta niya ang Samaria.” (Assyrian and Babylonian Chronicles, ni A. K. Grayson, 1975, p. 73) Sa 2 Hari 18:9, 10, sinasabi lamang ng Bibliya na ‘kinubkob’ ni Salmaneser ang Samaria at na “nabihag nila iyon.” Ihambing ang 2 Hari 17:1-6, na nagsasabing si Salmaneser na hari ng Asirya ay nagpataw ng tributo kay Hosea, na hari ng Samaria, at pagkatapos ay sinabi nito na nang maglaon ay “binihag ng hari ng Asirya ang Samaria.”

      [Larawan sa pahina 1097]

      Ang Nimrud Prism, na naghahambog tungkol sa mga pananakop ni Sargon; ngunit ang ilan sa mga iyon ay maaaring ginawa ng kaniyang hinalinhan

  • Sargon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Dahil sa agresibong paghahari ni Sargon, umabot ang Imperyo ng Asirya sa isang bagong tugatog ng kapangyarihan, at nagsimula noon ang huling dakilang dinastiya ng Asirya. Kinikilala ng mga istoryador na si Sargon ay namahala nang 17 taon. Yamang ipinapalagay na nagsimula siyang maghari pagkaraang bumagsak ang Samaria noong ikaanim na taon ni Hezekias o di-nagtagal pagkatapos nito (2Ha 18:10), at yamang ang Juda ay sinalakay ng kaniyang anak at kahalili sa trono, si Senakerib, noong ika-14 na taon ni Hezekias (2Ha 18:13), ang 17-taóng pamamahala ni Sargon ay posible lamang kung si Senakerib ay naghaharing kasabay niya noong panahong salakayin nito ang Juda. Posible rin na nagkamali ang mga istoryador sa pagpepetsa. Talagang hindi nila mapananaligan ang mga talaang eponimo upang tiyakin ang mga paghaharing ito, gaya ng ipinakikita sa artikulong KRONOLOHIYA. Tinatalakay rin doon na sa pangkalahatan ay hindi maaasahan ang mga eskribang Asiryano at ang kanilang kaugaliang “ayusin” ang iba’t ibang edisyon ng mga ulat ng kasaysayan upang palugdan ang tagapamahala.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share