Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Malupit na Asiria—Ang Ikalawang Dakilang Kapangyarihan ng Daigdig
    Ang Bantayan—1988 | Pebrero 15
    • Sinasabi ng Bibliya na “si Sennacherib na hari sa Asiria ay umahon laban sa lahat ng nakukutaang mga lunsod ng Juda at kaniyang pinagsasakop ang mga iyon.” Ang hari ng Jerusalem na si Ezekias, palibhasa’y natakot sa bantang ito, ay “nagsugo sa hari ng Asiria sa Lachis” at nag-alok na suhulan siya ng malaking halaga.​—2 Hari 18:13, 14.

  • Ang Malupit na Asiria—Ang Ikalawang Dakilang Kapangyarihan ng Daigdig
    Ang Bantayan—1988 | Pebrero 15
    • Mangyari pa, ang mayabang na si Sennacherib ay hindi maaasahan na ipangangalandakan ang pagkalipol na ito ng kaniyang mga kawal. Subalit ang kaniyang sinasabi ay nakatutuwang malaman. Ang kaniyang nakasulat na kasaysayan, na nasusulat sa kapuwa Oriental Institute Prism at sa Taylor Prism, ay nagsasabi: “Tungkol kay Ezekias, na Judio, hindi siya napasakop sa aking pamatok, aking kinubkob ang 46 ng kaniyang matitibay na lunsod, napapaderang mga kuta at di-mabilang na maliliit na bayan-bayan na nasa karatig, at sinakop ko (ang mga ito) . . . Siya naman ay ginawa kong isang bihag sa Jerusalem, sa kaniyang palasyo, mistulang isang ibong nasa hawla.” Sinasabi ni Sennacherib na “ang kakila-kilabot na kaningningan ng aking pagpupuno” ang dumaig kay Ezekias. Subalit, hindi niya sinasabing kaniyang nabihag si Ezekias o nasakop ang Jerusalem, gaya ng kaniyang sinabi tungkol sa “matitibay na lunsod” at “at maliliit na bayan-bayan.” Bakit hindi? Gaya ng ipinakikita ng Bibliya, ang pinakamagagaling na kawal na sinugo ni Sennacherib upang gawin iyon ay nalipol!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share