Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nagtiis Siya Hanggang Wakas
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • Dahil mapagpakumbaba si Elias, ipinaubaya niya ito kay Jehova. Kung hahayaan ni Jehova na makita ni Eliseo ang nakatatandang propetang si Elias na kinukuha ng Diyos, ibig sabihin, oo ang sagot ng Diyos sa hiling ni Eliseo. At di-nagtagal, habang naglalakad ang matagal nang magkaibigan, “na nag-uusap habang sila ay naglalakad,” may nangyaring kamangha-mangha!—2 Hari 2:10, 11.

      Tiyak na nakatulong kina Elias at Eliseo ang pagkakaibigan nila para makayanan ang mahihirap na sitwasyon

      May kakaibang liwanag sa kalangitan na palapit nang palapit. Isipin na biglang nagkaroon ng buhawi na humuhugong, at may kasama itong maliwanag na bagay na papalapit sa dalawang lalaki, at pinaghiwalay sila nito dahil posibleng napaatras sila sa pagkamangha. May nakita silang sasakyan, isang karwahe, at nagliliwanag itong gaya ng apoy. Alam ni Elias na dumating na ang panahon. Sumakay ba siya sa karwahe? Hindi sinabi sa ulat. Anuman ang nangyari, naramdaman niyang iniaangat siya ng buhawi sa himpapawid!

  • Nagtiis Siya Hanggang Wakas
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • Saan nagpunta si Elias? Sinasabi ng ilang relihiyon na dinala siya sa langit para makasama ng Diyos. Pero imposible iyon. Pagkalipas ng daan-daang taon, sinabi ni Jesu-Kristo na wala pang umakyat sa langit na una sa kaniya. (Juan 3:13) Kaya nang sabihin sa ulat na “si Elias ay umakyat sa langit sa pamamagitan ng buhawi,” ano kaya ang “langit” na tinutukoy roon? (2 Hari 2:11) Ginagamit ng Bibliya ang “langit” para tumukoy hindi lang sa lugar kung saan nakatira si Jehova, kundi pati sa himpapawid, kung saan makikita ang mga ulap at ang mga lumilipad na ibon. (Awit 147:8) Sa langit na iyon dinala si Elias. Ano ang sumunod na nangyari?

      Inilipat ni Jehova ang mahal niyang propeta sa bago nitong atas, sa katabing kaharian, ang kaharian ng Juda. Ipinapakita ng Bibliya na naroon pa si Elias pagkalipas ng mahigit pitong taon. Ang namamahala noon sa Juda ay ang napakasamang si Haring Jehoram. Napangasawa niya ang anak nina Ahab at Jezebel, kaya patuloy pa rin ang masama nilang impluwensiya. Inatasan ni Jehova si Elias na sumulat ng liham na maghahayag ng hatol kay Jehoram. Gaya ng inihula, nakakakilabot ang pagkamatay ni Jehoram. At hindi lang iyan! Sinasabi pa sa ulat na walang nalungkot nang mamatay siya.—2 Cronica 21:12-20.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share