-
Nakita ni Eliseo ang Maaapoy na Karo—Nakikita Mo Rin Ba?Ang Bantayan—2013 | Agosto 15
-
-
NAKITA NI ELISEO
Ano ang naging sagot ng Diyos sa kahilingan ni Eliseo? Sinasabi ng ulat: “At nangyari, habang naglalakad sila, na nag-uusap habang sila ay naglalakad, aba, narito! isang maapoy na karong pandigma at maaapoy na kabayo, at silang dalawa ay pinaghiwalay ng mga iyon; at si Elias ay umakyat sa langit sa pamamagitan ng buhawi. Samantala, nakikita iyon ni Eliseo.”a Iyon ang sagot ni Jehova sa kahilingan ni Eliseo. Nakita ni Eliseo na kinuha sa kaniya si Elias, tumanggap siya ng dalawang bahagi ng espiritu ni Elias, at naging tagapagmana ng espiritu ng propeta.—2 Hari 2:11-14.
-
-
Nakita ni Eliseo ang Maaapoy na Karo—Nakikita Mo Rin Ba?Ang Bantayan—2013 | Agosto 15
-
-
Tiyak na tumatak sa isipan ni Eliseo ang mga nakita niya nang pumailanlang si Elias sa pamamagitan ng buhawi. Aba, hindi pangkaraniwan ang makakita ng maapoy na karong pandigma at maaapoy na kabayo! Patunay lang iyon na ibinigay ni Jehova ang hiniling ni Eliseo. Kapag sinasagot ng Diyos ang ating mga panalangin, hindi tayo nakakakita ng nag-aapoy na karong pandigma at maaapoy na kabayo. Pero nauunawaan nating ginagamit ng Diyos ang kaniyang kapangyarihan para mangyari ang kalooban niya. At kapag naoobserbahan nating pinagpapala ni Jehova ang makalupang bahagi ng kaniyang organisasyon, para na rin nating nakikita ang pagtakbo ng kaniyang makalangit na karo.—Ezek. 10:9-13.
-
-
Nakita ni Eliseo ang Maaapoy na Karo—Nakikita Mo Rin Ba?Ang Bantayan—2013 | Agosto 15
-
-
a Si Elias ay hindi umakyat sa langit kung saan nakatira si Jehova at ang kaniyang mga anghel. Tingnan ang Bantayan, isyu ng Setyembre 15, 1997, pahina 15.
-