Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hinom, Libis ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Papalapad ang Hinom sa dako na nasa itaas lamang ng pinagsasalubungan nito at ng mga libis ng Tyropoeon at ng Kidron. Malamang na dito ang lokasyon ng Topet. (2Ha 23:10) Sa T na panig ng libis malapit sa silanganing dulo nito ay naroon ang kinikilalang lugar ng Akeldama, ang “Parang ng Dugo,” ang parang ng magpapalayok na binili kapalit ng 30 pirasong pilak ni Hudas. (Mat 27:3-10; Gaw 1:18, 19) Sa mas dako pang itaas, ang libis ay makitid at malalim, anupat maraming silid na puntod sa hagdan-hagdang mga dalisdis nito.

  • Hinom, Libis ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang apostatang si Haring Ahaz ng Juda ay gumawa ng haing usok sa libis na ito at dito rin niya sinunog sa apoy ang kaniyang (mga) anak. (2Cr 28:1-3) Nahigitan pa si Ahaz ng kaniyang apo na si Haring Manases, na malawakang nagtaguyod ng kabalakyutan, anupat kaniya ring ‘pinaraan sa apoy ang sarili niyang mga anak sa libis ng anak ni Hinom.’ (2Cr 33:1, 6, 9) Winakasan ni Haring Josias, apo ni Manases, ang karima-rimarim na gawaing ito sa Topet sa pamamagitan ng pagpaparungis sa lugar na iyon, anupat nilapastangan niya iyon, sa gayon ay ginawa niya itong di-karapat-dapat sa pagsamba, posibleng sa pamamagitan ng pagkakalat doon ng mga buto o basura.​—2Ha 23:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share