Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nagtiis Siya Hanggang Wakas
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • Gustong gumanti ni Ahazias, kaya nagpadala siya ng 50 kawal kasama ang pinuno ng mga ito para arestuhin si Elias. Nang makita nila si Elias na “nakaupo sa taluktok ng bundok,”a walang-galang na inutusan ng pinuno si Elias na “bumaba”—malamang na para patayin. Isipin mo iyon! Kahit na alam nilang si Elias ay lingkod ng tunay na Diyos, inisip ng mga kawal na iyon na tama lang na takutin at pagbantaan siya. Maling-mali sila! Sinabi ni Elias sa pinuno: “Kung ako ay isang lalaki ng Diyos, bumaba nawa ang apoy mula sa langit at lamunin ka at ang iyong limampu.” Kumilos ang Diyos! “Ang apoy ay bumaba mula sa langit at nilamon siya at ang kaniyang limampu.” (2 Hari 1:9, 10) Ang masaklap na kinahinatnan ng mga kawal na iyon ay malinaw na paalaala na seryosong bagay kay Jehova kapag hinahamak at hindi iginagalang ng mga tao ang mga lingkod niya.—1 Cronica 16:21, 22.

  • Nagtiis Siya Hanggang Wakas
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • Paano natagalan ni Elias ang katigasan ng ulo at ang pagrerebelde ng mga nakapalibot sa kaniya? May matututuhan tayo sa kaniya. Nalulungkot ka ba kapag ang mahal mo sa buhay ay ayaw makinig sa payo at tuloy pa rin sa masama niyang ginagawa? Paano natin makakayanan ang ganoong sitwasyon? May matututuhan tayo sa lugar kung saan nakita ng mga kawal si Elias, “sa taluktok ng bundok.” Hindi natin tiyak kung bakit nandoon si Elias, pero malamang na dahil lagi siyang nananalangin, gusto niya roon dahil magandang lugar iyon para mas mapalapít sa mahal niyang Diyos. (Santiago 5:16-18) Puwede rin tayong magkaroon ng regular na iskedyul para mapag-isa at lumapit sa Diyos; tawagin natin siya sa pangalan at sabihin sa kaniya ang mga problema at ikinababahala natin. Kapag ginagawa natin iyon, mas makapagtitiis tayo kapag ang mga nasa palibot natin ay mapagwalang-bahala at gumagawa ng mga bagay na ikapapahamak nila.

  • Nagtiis Siya Hanggang Wakas
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • a Sinasabi ng ilang iskolar na ang bundok na binanggit dito ay ang Bundok Carmel, kung saan tinulungan ng Diyos si Elias na talunin ang mga propeta ni Baal ilang taon na ang nakalilipas. Pero hindi binanggit sa Bibliya kung anong bundok iyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share