Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isa na “Dumirinig ng Panalangin”
    Ang Bantayan—2010 | Oktubre 1
    • TALAGA bang sinasagot ng Diyos na Jehova ang taimtim na panalangin ng kaniyang tapat na mga mananamba? May ulat sa Bibliya tungkol sa lalaking si Jabez na hindi kilala ng marami. Ipinakikita sa ulat na ito na si Jehova nga ang “Dumirinig ng panalangin.” (Awit 65:2) Ang maikling ulat na ito ay mababasa sa waring di-inaasahang lugar​—sa talaangkanan sa pasimula ng aklat ng Unang Cronica. Suriin natin ang 1 Cronica 4:9, 10.

      Ang lahat ng impormasyon tungkol kay Jabez ay mababasa sa dalawang talatang ito. Ayon sa talata 9, ang kaniyang ina ang “tumawag sa kaniyang pangalan na Jabez, na nagsasabi: ‘Isinilang ko siya nang may kirot.’”a Bakit niya pinili ang pangalang iyon? Hirap na hirap kaya siya nang ipanganak niya si Jabez? O baka biyuda na siya kaya lungkot na lungkot siya dahil wala roon ang kaniyang asawa nang isilang niya ang kanilang anak? Walang sinasabi ang Bibliya hinggil dito. Pero balang araw, maipagmamalaki ng nanay na ito ang kaniyang anak. Malamang na matuwid na mga lalaki ang mga kapatid ni Jabez, pero “si Jabez ay naging higit na marangal kaysa sa kaniyang mga kapatid.”

  • Isa na “Dumirinig ng Panalangin”
    Ang Bantayan—2010 | Oktubre 1
    • a Ang pangalang Jabez ay mula sa salitang-ugat na maaaring mangahulugang “kirot.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share