-
Isa na “Dumirinig ng Panalangin”Ang Bantayan—2010 | Oktubre 1
-
-
TALAGA bang sinasagot ng Diyos na Jehova ang taimtim na panalangin ng kaniyang tapat na mga mananamba? May ulat sa Bibliya tungkol sa lalaking si Jabez na hindi kilala ng marami. Ipinakikita sa ulat na ito na si Jehova nga ang “Dumirinig ng panalangin.” (Awit 65:2) Ang maikling ulat na ito ay mababasa sa waring di-inaasahang lugar—sa talaangkanan sa pasimula ng aklat ng Unang Cronica. Suriin natin ang 1 Cronica 4:9, 10.
-
-
Isa na “Dumirinig ng Panalangin”Ang Bantayan—2010 | Oktubre 1
-
-
Nananalangin si Jabez mula sa puso. Sinimulan niya ang kaniyang panalangin sa pamamagitan ng pagsusumamo para sa pagpapala ng Diyos. Pagkatapos, tatlong bagay ang hiniling niya na nagpapakita ng kaniyang matibay na pananampalataya.
Una, nagsumamo si Jabez sa Diyos: ‘Palakihin mo ang aking teritoryo.’ (Talata 10) Ang marangal na lalaking ito ay hindi gahaman sa lupain, na kinukuha ang pag-aari ng kaniyang kapuwa. Ang kahilingan niya ay may kaugnayan sa mga tao sa halip na sa lupain. Maaaring hinihiling niya na mapalaki ang kaniyang teritoryo sa mapayapang paraan upang mas maraming mananamba ng tunay na Diyos ang makatira dito.b
Ikalawa, nagsumamo si Jabez na sumakaniya nawa ang “kamay” ng Diyos, na sagisag ng Kaniyang kapangyarihan. Ginagamit ito ni Jehova para tulungan ang kaniyang mga mananamba. (1 Cronica 29:12) Para matanggap ang kaniyang mga kahilingan, umasa si Jabez sa Diyos, na ang kamay ay hindi maikli sa mga nananampalataya sa kaniya.—Isaias 59:1.
Ikatlo, nanalangin si Jabez: “[Ingatan] mo ako mula sa kapahamakan, upang hindi ako saktan niyaon.” Ang pananalitang “upang hindi ako saktan niyaon” ay maaaring magpahiwatig na hindi ipinanalangin ni Jabez na makaligtas siya mula sa kapahamakan, kundi na sana’y makayanan niya ito o hindi siya madaig ng kasamaan.
Ipinakikita ng panalangin ni Jabez na mahalaga sa kaniya ang tunay na pagsamba at na nananampalataya siya sa Dumirinig ng panalangin. Ano ang naging sagot ni Jehova? Sa ganito nagtatapos ang maikling ulat na ito: “Sa gayon ay pinangyari ng Diyos ang kaniyang hiniling.”
Hindi pa rin nagbabago ang Dumirinig ng panalangin. Nalulugod siya sa mga panalangin ng mga nananampalataya sa kaniya, at makapagtitiwala sila sa bagay na ito: “Anumang bagay ang hingin natin ayon sa kaniyang kalooban, tayo ay pinakikinggan niya.”—1 Juan 5:14.
-
-
Isa na “Dumirinig ng Panalangin”Ang Bantayan—2010 | Oktubre 1
-
-
b Ganito ang pagkakasabi ng mga Targum, mga pagpapakahulugang Judio sa Sagradong Kasulatan, sa mga pananalita ni Jabez: “Pagpalain mo ako ng mga anak, at palakihin mo ang aking mga hangganan ng mas maraming alagad.”
-