Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “May Gantimpala Para sa Inyong mga Gawa”
    Ang Bantayan—2012 | Agosto 15
    • Pagbalik ni Asa mula sa pakikipagdigma, kinausap siya ni Azarias. Ang propetang ito ay nagbigay ng pampatibay-loob at isang babala: “Dinggin ninyo ako, O Asa at buong Juda at Benjamin! Si Jehova ay sumasainyo hangga’t kayo ay sumasakaniya; at kung hahanapin ninyo siya, hahayaan niyang siya ay masumpungan ninyo, ngunit kung iiwan ninyo siya ay iiwan niya kayo. . . . Magpakalakas-loob kayo at huwag ninyong ilaylay ang inyong mga kamay, sapagkat may gantimpala para sa inyong mga gawa.”​—2 Cro. 15:1, 2, 7.

      Nakapagpapatibay ng pananampalataya ang pananalitang ito. Ipinakikita nito na sasaatin si Jehova hangga’t naglilingkod tayo nang tapat sa kaniya. Kapag humingi tayo ng tulong sa kaniya, diringgin niya tayo. “Magpakalakas-loob kayo,” ang sabi ni Azarias. Kadalasan nang kailangan ang lakas ng loob para gawin ang tama, pero alam natin na magagawa natin ito sa tulong ni Jehova.

  • “May Gantimpala Para sa Inyong mga Gawa”
    Ang Bantayan—2012 | Agosto 15
    • Pero may kalakip na babala ang mga salita ni propeta Azarias: “Kung iiwan ninyo [si Jehova] ay iiwan niya kayo.” Huwag sanang mangyari iyan sa atin! Masaklap ang kahihinatnan nito. (2 Ped. 2:20-22) Hindi isinisiwalat ng Kasulatan kung bakit nagpadala si Jehova ng ganitong babala kay Asa, pero hindi ito pinakinggan ng hari.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share