-
Kilalanin Nawa ni Jehova na Mabuti ang Iyong UlatAng Bantayan—1996 | Setyembre 15
-
-
“Ito’y alalahanin mo . . . alang-alang sa akin, O aking Diyos . . . Alalahanin mo ako, O aking Diyos, magpakailanman.”—NEHEMIAS 13:22, 31.
-
-
Kilalanin Nawa ni Jehova na Mabuti ang Iyong UlatAng Bantayan—1996 | Setyembre 15
-
-
2. (a) Sa anu-anong paraan nagbigay si Nehemias ng mabuting ulat ng kaniyang sarili sa Diyos? (b) Sa pamamagitan ng anong pakiusap tinapos ni Nehemias ang aklat sa Bibliya na may pangalan niya?
2 Ang isang tao na nakagawa ng mabuting ulat ng kaniyang sarili sa Diyos ay si Nehemias, ang tagapagdala ng kopa sa Persianong si Haring Artajerjes (Longimanus). (Nehemias 2:1) Si Nehemias ay naging gobernador ng mga Judio at nagtayong muli sa pader ng Jerusalem sa kabila ng mga kaaway at panganib. Taglay ang sigasig sa tunay na pagsamba, ipinatupad niya ang Batas ng Diyos at ipinakita ang pagmamalasakit sa mga inaapi. (Nehemias 5:14-19) Hinimok ni Nehemias ang mga Levita na palagiang dalisayin ang kanilang sarili, bantayan ang mga pintuang-bayan, at pakabanalin ang araw ng Sabbath. Kaya naman nakapanalangin siya: “Ito’y alalahanin mo rin naman alang-alang sa akin, O aking Diyos, at kahabagan mo ako alinsunod sa kasaganaan ng iyong maibiging-kabaitan.” Angkop din naman na tapusin ni Nehemias ang kaniyang aklat na kinasihan ng Diyos sa pakiusap na: “Alalahanin mo ako, O aking Diyos, magpakailanman.”—Nehemias 13:22, 31.
-