-
RecabKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
3. Ama o ninuno ng Malkias na tumulong kay Nehemias na kumpunihin ang isang pintuang-daan ng pader ng Jerusalem. (Ne 3:14) Kung siya rin ang Recab sa Blg. 2, pinatutunayan ng pagkanaroroon ni Malkias ang katuparan ng pangako ni Jehova sa mga Recabita gaya ng masusumpungan sa Jeremias 35:19.
-
-
Recabita, MgaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nalugod si Jehova dahil sa may-paggalang na pagkamasunurin na ipinakita nila. Ang kanilang matatag na pagkamasunurin sa isang ama sa lupa ay kabaligtaran ng pagkamasuwayin ng mga Judeano sa kanilang Maylalang. (Jer 35:12-16) Nagbigay ang Diyos sa mga Recabita ng gantimpalang pangako: “Walang aalisin kay Jonadab na anak ni Recab na lalaking tatayong palagi sa harap ko.”—Jer 35:19.
Noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias pagkatapos ng pagkatapon, kinumpuni ni “Malkias na anak ni Recab” ang Pintuang-daan ng mga Bunton ng Abo. Kung ang Recab na ito ang siya ring ama o ninuno ni Jehonadab, ipinakikita nito na ang mga Recabita ay nakaligtas sa pagkatapon at bumalik sa lupain. (Ne 3:14) Sa 1 Cronica 2:55 si Hammat ay itinala bilang “ama ng sambahayan ni Recab.”
-