Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nanindigan Siya Para sa Bayan ng Diyos
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • 18. (a) Bakit hindi yumukod si Mardokeo kay Haman? (Tingnan din ang talababa.) (b) Paano tinutularan ng mga tapat na lalaki at babae ngayon ang halimbawa ni Mardokeo?

      18 Isang lalaki na nagngangalang Haman ang naging prominente sa korte ni Ahasuero. Inatasan siya ng hari bilang punong ministro, anupat naging pangunahing tagapayo ng hari at pangalawa sa kapangyarihan sa buong imperyo. Ipinag-utos pa nga ng hari na ang lahat ng makakita sa opisyal na ito ay dapat yumukod sa kaniya. (Es. 3:1-4) Ang batas na iyan ay nagdulot ng problema kay Mardokeo. Naniniwala siyang dapat sundin ang hari pero hindi hanggang sa puntong susuway siya sa Diyos. Si Haman ay isang Agagita, kaya isa siyang inapo ni Agag, ang haring Amalekita na pinatay ng propeta ng Diyos na si Samuel. (1 Sam. 15:33) Napakasama ng mga Amalekita, anupat naging kaaway sila ni Jehova at ng Israel. Bilang isang bayan, ang mga Amalekita ay tuwirang hinatulan ng Diyos.c (Deut. 25:19) Maaatim ba ng isang tapat na Judio na yumukod sa isang Amalekita? Hindi iyan magagawa ni Mardokeo! Hanggang sa ngayon, isinasapanganib ng mga tapat na lalaki at babae ang kanilang buhay para masunod ang simulaing ito: “Dapat naming sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.”​—Gawa 5:29.

  • Nanindigan Siya Para sa Bayan ng Diyos
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • c Maaaring isa si Haman sa ilang natirang Amalekita, yamang ang “nalabi” ng Amalek ay nilipol noong panahon ni Haring Hezekias.​—1 Cro. 4:43.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share