-
Nanindigan Siya Para sa Bayan ng DiyosAng Bantayan—2011 | Oktubre 1
-
-
Isang lalaki na nagngangalang Haman ang naging prominente sa korte ni Ahasuero. Inatasan siya ng hari bilang punong ministro, anupat naging pangunahing tagapayo ng hari at pangalawa sa kapangyarihan sa buong imperyo. Ipinag-utos pa nga ng hari na lahat ng makakita sa opisyal na ito ay dapat yumukod sa kaniya. (Esther 3:1-4) Ang batas na iyan ay nagdulot ng problema kay Mardokeo. Naniniwala siyang dapat sundin ang hari pero hindi naman dapat umabot sa puntong susuway siya sa Diyos. Si Haman ay isang “Agagita.” Isa siyang inapo ni Agag, ang haring Amalekita na pinatay ng propeta ng Diyos na si Samuel. (1 Samuel 15:33) Napakasama ng mga Amalekita, anupat kinalaban nila si Jehova at ang Israel. Bilang isang bayan, ang Amalek ay tuwirang hinatulan ng Diyos.b (Deuteronomio 25:19) Yuyukod ba ang isang tapat na Judio sa isang maharlikang Amalekita? Hinding-hindi iyan magagawa ni Mardokeo! Sa ngayon, mayroon pa ring mga tapat na lalaki at babae na nagsasapanganib ng kanilang buhay para masunod ang prinsipyong ito: “Dapat naming sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.”—Gawa 5:29.
-
-
Nanindigan Siya Para sa Bayan ng DiyosAng Bantayan—2011 | Oktubre 1
-
-
b Malamang na isa si Haman sa ilang natirang Amalekita, yamang ang mga “nalabi ng Amalek” ay nilipol noong panahon ni Haring Hezekias.—1 Cronica 4:43.
-