Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pur
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • PUR

      Isang salitang di-Hebreo na masusumpungan sa Esther 3:7 at 9:24, 26; ito ay nangangahulugang “palabunot” (sa Heb., goh·ralʹ; tingnan ang PALABUNOT, PALABUNUTAN). Ang salitang ito ay nasa anyong pang-isahan, samantalang ang anyong pangmaramihan nito ay “Purim.” (Es 9:26, 28-32) Iniuugnay ang “Pur” sa salitang Akkadiano na puru, na nangangahulugang “palabunot.” Sa “Pur” nagmula ang pangalan ng Judiong kapistahan ng Purim.​—Tingnan ang PURIM.

  • Purim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang kapistahan na ipinagdiriwang sa ika-14 at ika-15 araw ng Adar, ang huling buwan ng taon ng mga Judio at katumbas ng huling bahagi ng Pebrero at maagang bahagi ng Marso. Tinatawag din itong Kapistahan ng mga Palabunot. (Es 9:21) Ang pangalan ng kapistahan ay nagmula sa ginawa ni Haman na paghahagis ng pur (palabunot) upang alamin ang angkop na araw para isagawa ang isang pakana na lipulin ang mga Judio. Palibhasa’y isang Agagita, marahil ay isang maharlikang Amalekita, at isang mananamba ng mga bathalang pagano, ang paghahagis niya ng pur ay “isang uri ng panghuhula.” (Es 3:7, Le, tlb; tingnan ang PALABUNOT, PALABUNUTAN; PANGHUHULA; PUR.) Noong ika-12 taon ni Haring Ahasuero (Jerjes I), Nisan 13, lumilitaw na sa tagsibol ng 484 B.C.E., matapos mapasang-ayon ni Haman ang hari na ipalipol ang mga Judio, ang opisyal na utos para isagawa iyon ay isinulat para sa lahat ng probinsiya ng Persia.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share