Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nanindigan Siya Para sa Bayan ng Diyos
    Ang Bantayan—2011 | Oktubre 1
    • Galít na galít si Haman at hindi siya kontento na si Mardokeo lang ang maipapatay. Gusto rin niyang lipulin ang lahat ng kababayan ni Mardokeo! Kinausap ni Haman ang hari para siraan ang mga Judio. Pinalabas niyang wala silang kuwentang tao, isang bayan na “nakapangalat at nakahiwalay sa gitna ng mga bayan.” Ang mas masama pa, sinabi niyang hindi sila sumusunod sa mga utos ng hari at sila raw ay mapanganib na mga rebelde. Nag-alok siya ng napakalaking abuloy sa ingatang-yaman ng hari para sa gagastusin sa paglipol sa lahat ng Judio sa buong imperyo.c Ibinigay ni Ahasuero kay Haman ang kaniyang singsing na panlagda para itatak sa anumang iuutos ni Haman.​—Esther 3:5-10.

  • Nanindigan Siya Para sa Bayan ng Diyos
    Ang Bantayan—2011 | Oktubre 1
    • c Nag-alok si Haman ng 10,000 talentong pilak, na nagkakahalaga ng milyun-milyong dolyar sa ngayon. Kung si Ahasuero ay si Jerjes I nga, talagang magugustuhan niya ang alok ni Haman. Malaking kayamanan ang nawala kay Jerjes nang matalo siya sa pakikidigma sa mga Griego, malamang na noong bago niya pakasalan si Esther.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share