Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nanindigan Siya Para sa Bayan ng Diyos
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • 22. Bakit natatakot si Esther na lumapit sa hari? (Tingnan din ang talababa.)

      22 Tiyak na nanlumo si Esther nang makarating sa kaniya ang mensaheng iyon. Ito ang pinakamalaking pagsubok sa kaniyang pananampalataya. Natatakot siya, gaya ng inamin niya sa kaniyang sagot kay Mardokeo. Ipinaalaala niya rito ang batas ng hari. Ang pagpunta sa hari nang hindi ipinatatawag ay nangangahulugan ng kamatayan. At maliligtas lang ang nagkasala kung iuunat sa kaniya ng hari ang ginintuang setro. May dahilan ba si Esther na umasang kaaawaan siya ng hari, lalo na kung iisipin ang nangyari kay Vasti nang tumanggi itong humarap sa hari noong ipatawag ito? Sinabi ni Esther kay Mardokeo na 30 araw na siyang hindi ipinatatawag ng hari! Kaya iniisip niyang baka wala na sa kaniya ang pabor ng hari na mabilis magbago ang isip.e​—Es. 4:9-11.

  • Nanindigan Siya Para sa Bayan ng Diyos
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • e Si Jerjes I ay kilaláng pabagu-bago ang isip at marahas. Iniulat ng Griegong istoryador na si Herodotus ang ilang halimbawa noong nakikipagdigma si Jerjes laban sa Gresya. Nagpagawa ang hari ng isang tulay (pontoon bridge) sa kipot ng Hellespont. Nang masira ito ng bagyo, iniutos ni Jerjes na pugutan ng ulo ang mga inhinyerong gumawa nito at, bilang “parusa” sa Hellespont, ipinahampas niya ang tubig nito habang binabasa nang malakas ang isang nakaiinsultong proklamasyon. Nang makiusap naman ang isang mayamang lalaki na huwag nang isama sa hukbo ang kaniyang anak, ipinahati ni Jerjes ang katawan ng anak nito at idinispley bilang babala.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share