Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kailangang Sagipin ang Tao!
    Ang Bantayan—2008 | Marso 1
    • Karamihan sa atin ay hindi naman makukulong sa ilalim ng lupa gaya ng nangyari sa siyam na minerong iyon o mapapaharap sa kamatayan dahil sa isang kasakunaan. Gayunpaman, tayong lahat ay kailangang sagipin, o iligtas, mula sa di-matatakasang epekto ng sakit at pagtanda, at sa dakong huli ay mula sa kamatayan. “Ang tao, na ipinanganak ng babae, ay maikli ang buhay at lipos ng kaligaligan,” ang sabi ng tapat na patriyarkang si Job. “Tulad ng bulaklak ay sumisibol siya at pinuputol, at siya ay tumatakas na tulad ng anino at hindi nananatili.” (Job 14:1, 2) Sa ngayon, pagkalipas ng mga 3,500 taon, totoo pa rin ang mga salitang iyon, yamang sino ang makatatakas sa masaklap na kahihinatnan natin​—kamatayan? Saanman tayo nakatira o gaanuman tayo kaingat sa ating kalusugan, kailangan tayong masagip mula sa pagdurusa, pagtanda, at kamatayan.

  • Kailangang Sagipin ang Tao!
    Ang Bantayan—2008 | Marso 1
    • Naniniwala ka man o hindi sa palagay ni Job hinggil sa buhay at kamatayan, hindi maikakaila ang katotohanan na sa paglipas ng mga taon, ikaw rin ay ‘tatakas na tulad ng anino,’ anupat iiwan mo ang iyong mga kaibigan, pamilya, tahanan, at ang lahat ng iyong nagawa​—oo, patungo sa kamatayan. “Batid ng mga buháy na sila ay mamamatay,” ang isinulat ng matalinong hari ng sinaunang Israel na si Solomon. “Kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran, ni mayroon pa man silang kabayaran, sapagkat ang alaala sa kanila ay nalimutan.”​—Eclesiastes 9:5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share