Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Mimithiin Mo”
    Ang Bantayan—2011 | Marso 1
    • Si Job ay isang taong may malaking pananampalataya. Pero dumanas siya ng mabibigat na pagsubok​—kasama na ang pagkawala ng kaniyang kayamanan, pagkamatay ng lahat ng kaniyang anak, at isang napakasakit na karamdaman. Sa tindi ng kaniyang pagdurusa, sinabi niya sa Diyos: “O ikubli mo nawa ako sa Sheol [karaniwang libingan ng sangkatauhan]!” (Talata 13) Para kay Job, kaginhawahan ang ibibigay sa kaniya ng Sheol. Kasi sa lugar na iyon, kung saan para siyang kayamanang itinago ng Diyos, magiging malaya siya sa mga problema at pasakit.a

      Permanente bang mananatili sa Sheol si Job? Para sa kaniya, hindi. Gaya nga ng sinabi niya sa panalangin: “Takdaan mo nawa ako ng hangganang panahon at alalahanin mo ako!” Umaasa si Job na magiging pansamantala ang pananatili niya sa Sheol at hindi siya kalilimutan ni Jehova. Itinulad ito ni Job sa “sapilitang pagpapagal”​—isang sapilitang panahon ng paghihintay. Gaano katagal? “Hanggang sa dumating ang aking kaginhawahan,” ang sabi niya. (Talata 14) Ang kaginhawahang iyon ay nangangahulugan ng paglaya sa Sheol​—sa ibang salita, pagkabuhay-muli!

  • “Mimithiin Mo”
    Ang Bantayan—2011 | Marso 1
    • a Ayon sa ilang reperensiya, ang pananalita ni Job na ‘ikubli mo ako’ ay maaaring mangahulugan na “ilagay [ako] sa isang ligtas na dako bilang mahalagang bagay” o “itago ako bilang kayamanan.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share