Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sino ang Gumawa ng mga Batas ng Uniberso?
    Ang Bantayan—2011 | Hulyo 1
    • Karagdagan pa, kung ang Lupa ay talagang nakabitin sa wala, may isa pang tanong na bumabangon: Paano nananatili sa kani-kanilang landas ang Lupa at ang iba pang bagay sa kalangitan? Pansinin ang pananalita ng Diyos kay Job: “Maitatali mo bang mahigpit ang mga bigkis ng konstelasyon ng Kima, o makakalag mo ba ang mga panali ng konstelasyon ng Kesil?” (Job 38:31) Gabi-gabi, nakikita ni Job ang pamilyar na mga grupo ng bituin.c Bakit hindi nagbabago ang mga ito sa paglipas ng mga taon, o mga dekada pa nga? Ano ang mga “bigkis” na nagpapanatili sa mga bituing ito, at sa lahat ng bagay sa kalangitan, sa kani-kanilang puwesto? Tiyak na ikinamangha ito ni Job!

      Kung ang mga bituin ay nakakabit sa mga sphere, hindi na kailangan ang gayong mga “bigkis.” Pagkalipas pa ng daan-daang taon bago natuklasan ng mga siyentipiko ang tungkol sa di-nakikitang “bigkis” o “panali” na nagpapanatili sa mga bagay sa kalangitan habang binabagtas ng mga ito ang kalawakan. Sina Isaac Newton at Albert Einstein ay naging popular dahil sa kanilang mga natuklasan tungkol dito. Siyempre, walang alam si Job tungkol sa mga puwersang ginamit ng Diyos para bigkisin ang mga bagay sa kalangitan. Pero pagkalipas ng daan-daang taon, napatunayang totoo ang isinulat sa aklat ng Job at hindi ang ideya ng matalinong si Aristotle. Tiyak na ang Tagapagbigay-batas lamang ang may gayong kaunawaan!

  • Sino ang Gumawa ng mga Batas ng Uniberso?
    Ang Bantayan—2011 | Hulyo 1
    • c Ang “konstelasyon ng Kima” ay maaaring tumutukoy sa grupo ng mga bituin na Pleiades. Ang “konstelasyon ng Kesil” naman ay malamang na tumutukoy sa konstelasyon ng Orion. Libu-libong taon ang kailangang lumipas bago magkaroon ng malaking pagbabago ang mga grupong ito ng mga bituin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share