Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Iyong Pananampalataya ay Masusubok ng Kaunlaran
    Ang Bantayan—1993 | Hulyo 15
    • Pagkatapos makilalang mali ang kaniyang kaisipan, sinabi ni Asap: “Kung aking sinabi: ‘Magkukuwento ako ng katulad niyan,’ narito! ako’y gagawang may karayaan sa salinlahi ng iyong mga anak. At patuloy na pinag-isipan ko upang maalaman ko ito; iyon ay napakahirap sa ganang akin, hanggang sa ako’y pumasok sa dakilang santuwaryo ng Diyos. Ibig kong makilala ang mangyayari sa kanila sa hinaharap. Tunay na iyong inilagay sila sa madulas na dako. Iyong inilugmok sila sa kapahamakan. Oh kataka-taka ang nangyari sa kanila sa isang saglit! Sumapit sila sa kanilang wakas, nilipol na lubos ng biglaang mga kakilabutan! Gaya ng panaginip sa pagkagising, Oh Jehova, pagkagising mo ay iyong hahamakin ang kanila mismong larawan.”​—Awit 73:15-20.

  • Ang Iyong Pananampalataya ay Masusubok ng Kaunlaran
    Ang Bantayan—1993 | Hulyo 15
    • Natanto ni Asap na ang masasama ay inilagay ng Diyos “sa madulas na dako.” Dahilan sa ang kanilang buhay ay nakasentro sa materyal na mga bagay, sila’y nanganganib na makaranas ng biglaang pagbagsak. Sa pinakamatagal, aabutan sila ng kamatayan sa katandaan, at ang kanilang kinamkam na kayamanan ay hindi makapagbibigay sa kanila ng mahaba-habang buhay. (Awit 49:6-12) Ang kanilang kaunlaran ay matutulad sa isang panaginip na dagling lumilipas. Baka pa nga sila malapatan ng parusa bago sila sumapit sa katandaan sapagkat inaani nila ang kanilang inihasik. (Galacia 6:7) Yamang kusang tinalikdan nila ang tanging Isa na makatutulong sa kanila, wala silang magagawa, walang pag-asa. Pagka kumilos na si Jehova laban sa kanila, kaniyang mamalasin ang kanilang “larawan”​—ang kanilang karangyaan at posisyon​—​nang may paghamak.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share